^

Pang Movies

Mayor Erap ibabalik ang buhay ng Escolta

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - May pangako si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na ibabalik niya ang sigla katulad noong kasagsagan ng Escolta, Manila. Noong araw, kapag sosyal ang beauty ng isang babae, sasabihing pang-Escolta ang trademark niya. Malaking bahagi ng showbiz ngayon ang nakaraang Escolta days.

Karamihan pa sa opisina ng kilalang movie outfits noon ay matatagpuan sa Escolta. Lalo na ang pamosong El Oro office ni Elizabeth Oropesa. At maraming artista at direktor na naglalakad lang doon.

Ngayon, may ginawang hotel sa isang gilid ng kalye kaya naging maburak at may mga basura na inaanod sa mga estero.

Nalungkot si Erap noong mapasyalan ang dating mabunying lugar noong nagkakampanya pa siya. Umakyat sa isip niya na kapag nanalo ay babaguhin ang imahe ng Escolta. Katulong niya ngayon si Vice Mayor Isko Moreno na malaking bahagi rin ng buhay ng Manila. Hintayin natin.

Joem napapayag magkipaglaplapan kay Jake kahit relihiyoso

Nakakagulat si Joem Bascon na pumayag makipag-kissing kissing kay Jake Cuenca sa indie movie na Lihis.

Sa aming pagkakaalam ay very religious ang batang ito kahit gumaganap na kontrabida minsan. Ang galing talagang mag-convince ng mga umaakit para mapaganap sila sa ganitong klaseng role.

                             

vuukle comment

EL ORO

ELIZABETH OROPESA

ERAP

ESCOLTA

HINTAYIN

JAKE CUENCA

JOEM BASCON

MANILA MAYOR JOSEPH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with