Kiko bumitiw muna sa pag-aaral

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - July 8, 2013 - 12:00am

Nag-pictorial na kahapon si Kiko Estrada na sign na kasama na nga siya sa Kapamilya Network. Ang nasabing pictorial ay ipapasok para sa coffeetable book ng Star Magic.

Papalitan na pala ang title ng Cofradia na pagsasamahan nila ni Julia Barretto. Hindi pa puwedeng banggitin ang pamagat dahil ngayon Lunes ang story conference ng grupo para sa nasabing teleserye ng tambalan nilang dalawa.

 Dahil sure na ihahabol ang pictorial ni Kiko sa frame ng Star Magic, tiyak din na bugbugan na rin ang magiging taping para sa pilot episode nila ni Julia.

Kung magiging maayos ang taping ng pagsasamahang teleserye nina Kiko at Julia ay posibleng hindi mawala ang character niya sa Annaliza.

Speaking of Annaliza, may mall tour ito last Saturday sa SM Molino sa Cavite at isa si Kiko sa pinagkaguluhan. Talagang hanggang parking lot ay takbuhan ang mga tao at sinundan pa siya. Malakas pala talaga ang hatak niya sa fans sa kanya. Talaga raw guwapo si Kiko hindi lang sa TV screen kundi maging sa personal, sambit ng isang fan sa venue.

Samantala, on leave pala si Kiko sa kanyang studies sa St. Benilde–La Salle sa kurso nitong diplomatic affairs bilang magti-third year na sana. 

Anak ni Bella Flores pinasabak na sa aktingan

Mukhang matatagalan ang pagbabalik sa US nang nag-iisang anak ni Bella Flores na si Ruby Rose Arcilla kahit tapos na ang ika-40 days ng kanyang mommy.

Kasama kasi siya sa Binoy Henyo ng GMA 7 bilang kontrabida ni Sheena Halili. Sa pagpunta nga niya sa taping ay lalo niyang nami-miss ang kanyang Mommy Bella.

Gusto raw kasi ipagpatuloy ni Ruby ang legacy na iniwan ng kanyang ina sa mundo ng showbiz. Kaya nang alukin siya ng project ay hindi na siya nagdalawang-isip pa.

Minsan daw siyang nag-try out at umarte at nasabihan siyang kinilabutan ang mga nakapanood sa husay niyang umakting. Bella Junior na raw ang tawag sa kanya kahit nung bata pa siya pero alam niyang nag-iisa lang ang Bella Flores sa movie industry.

Sa kanyang pagtratrabaho the more niyang na-appreciate ang ginawa ng kanyang ina na talaga raw independent at strong woman. Dahil nung nasa States pa si Ruby Rose ay walang kasama si Bella sa kanilang bahay. Sa edad na 79 years old noon ay nagda-drive pa itong mag-isa sa kanyang mga taping.

Kuwento pa ni Ruby Rose, matagal na niyang gustong i-petition sana ang madir niya para makasama niya sa US pero ayaw daw ng La Primera Contravida dahil masaya siya rito sa ’Pinas, bukod sa kanyang trabahong mahal. Kelan lang daw ito pumayag na tumira sa US pero nagsawa rin sa casino at bingo at bumalik pa rin ng bansa.

Naalaala pa ng kaisa-isang anak ni Bella na kung hindi pa naaksidente sa baitang ng hagdan ang ina ay tiyak na lumalagare pa ito sa trabaho ngayon.

Maging ang isa ring anak ni Ruby Rose na si Jessica Rose Arcilla ay susubok ding pasukin ang showbiz — pero hindi para umarte kundi maging singer. May banda na ito sa US at pakanta-kanta sa mga show na line producer ang Mommy Ruby Rose niya.

Na-miss daw ni Jessica ang pagluluto ng lola niya, lalo na ng kare-kare. Natatawa siyang naalaala na minsan ay naghanap pa ito ng dinurog na bigas sa Amerika at tinawanan lang nila dahil wala nga nun doon.

Hindi raw niya alam na ganun kasikat ang lola niya rito sa bansa. Mas tumaas din ang respeto niya sa kanyang lola Bella sa rami ng mga taong nakiramay sa kanilang pamilya nung tuluyan nang pumanaw ito.

 

BELLA BELLA FLORES BELLA JUNIOR BINOY HENYO DAHIL KANYANG KIKO NIYA RUBY ROSE STAR MAGIC
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with