^

Pang Movies

Direk halatang-halata, ang alaga sa kanyang show pilit nilalagyan ng close-up at mahahabang linya may star treatment pa!

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Ipinagkatiwala sa mga young and progressive di­rector Nuel Naval at Manny Palo ang super TV production na Muling Buksan ang Puso. Sana hindi sila matulad sa mga kasamahan na pilit na isini­singit ang mga alaga sa lahat ng ginagawang project.

Aba, sobra pa ang close-up at binibigay na mahahabang dialogue at eksena sa kanilang sariling talent at star treatment talaga. Kahit na nga ikasira ng palabas!

Kaya naman daw kinukunsinti si Direk, ma­runong namang gumawa ng tele­drama at kumikita ang mga pelikula. Hayaan na lang ang mga dagdag na piling-piling tagpo ng kanyang mahal. ’Yun na!

Aktor na nakatulong sa executive trinato na parang basahan ng mga guard

Kawawa naman ang isang fading actor na si­nadya ang tutulong sa kanyang career noong kasi­katan pa niya. Nagkataon na wala roon ang pi­nuntahan niya. Hindi lang sa ayaw siyang papa­sukin, pinagtabuyan pa siyang tila isang pulubi ng mga malupit na sikyo ng studio.

Malaki ang naitulong ng dating sikat na aktor upang umunlad ang kanyang former studio. Hindi naman dapat na tinrato siyang basahan ng mga ma­yayabang na jaguar. Kung nalaman ng executive ang pagmaltrato sa aktor, sana naisingit siya sa isang project upang magkaroon ng trabahong kailangan niya.

Heart marunong nang mag-ipon ng pera

Say ni Heart Evangelista, mahirap na masarap ang maging independent sa buhay. Natuto siya ng financial management. Marunong na siyang mag-save ng pera ngayon.

Would you believe, hindi man lang pala binati ni Heart ang kanyang amang si Rey Ongpauco noong Father’s Day?

‘‘Hindi pa kami okay hanggang ngayon,’’ she admitted. ‘‘I really miss him a lot.’’

Talaga? Peks man!

Young star mas pinili ang prinsipe kesa mayamang boss na playboy

Tinanggihan ng isang magandang young star ang panliligaw ng kanyang rich and powerful boss. Meron na palang napupusuan ang dalaginding — isang super rich na member ng royal family sa Mindanao. Bukod kasi sa maraming datung, very good looking ang prinsipe.

Kahit sabihin pang magiging No. 1 wife ka niya, hindi sigurado kung ilan pa ang magiging misis niya in the near future. Lalo na kung dumami na ang inyong anak at magmukhang matrona ka na!

Ang kanyang boss naman, hindi rin tiyak na siya ang magi­ging one and only. Kilala ang makisig na millionaire sa pagiging playboy.

Rhian satisfied kay KC

Maligaya si Rhian Ramos sa sobrang pagmamahal na iniuukol sa kanya ni KC Montero. Say niya, puwede palang a girl will be treated so well by her boyfriend.

Well, after that scandalous affair with Mo Twister, what comes next will be the best. Satisfied din naman si Geneva Cruz kay KC dati!

Daniel ayaw mangulelat sa filmfest

Kahit hindi maging top grosser ang Metro Manila Film Festival official entry na bida si Daniel Padilla, ang Pagpag, hindi naman siya natatakot. Masaya na siyang masali sa Top 5.

Ayaw niya lang mangyari na malagay sa No. 8 ang kanyang entry. Pababayaan naman kaya si Daniel ng kanyang legions fans?

Aktor na si Daniel Fernando hindi kapani-paniwalang walang asawa

Maraming ayaw maniwala sa tinuran ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na siya’y binata po o wala pang misis. Hindi naman niya sinabi na wala pa siyang anak hanggang ngayon.

Ang kanyang mga kagrupong aktor sa Muling Buksan ang Puso na sina Dominic Ochoa at Jestoni Alarcon, happily married. Si Dominic, ngayon pa lang nagpapatayo ng sariling bahay. Inuna niya ang pagkolekta ng mga mamahaling kotseng pang-karera.

Si Jestoni na unang naging bold star bago tanghaling action hero, laging composed sa mga interview at kitang-kita na maligaya ang kanyang domestic life.

Si Daniel Fernando na bagong sibol pa lang ay napanood na kung gaano sa ka-elya sa original Scorpio Nights ni Peque Gallaga, mukhang imposibleng mawalan ng love life o sex life.

Kung mahahalal pala siyang gobernador ng Bulacan sa 2016, wala pang magiging first lady ang kanyang probinsiya!

 

KAHIT

KANYANG

MULING BUKSAN

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with