^

Pang Movies

Tom Rodriguez nakakainsulto sa pagka-babae

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naintriga kami sa nadinig na sari-saring komento sa kontrobersiyal na GMA teleserye, My Husband’s Lover. Sinong lalaki raw ba ang ipagpapalit ang isang beki, na ginagampanan ni Dennis Trillo, sa misis na role ni Carla Abellana? Siguro raw may diperensiya sa utak ang karakter ni Tom Rodriguez dahil iniiyakan pa ang pagkaka-aksidente ng kanyang beking lover.

Dapat daw ay hindi na lang nagpakasal pa si Tom kay Carla.  Parang insulto lang sa pagkababae ang kanyang ginawa. Ibig bang sabihin mas maganda sa kanya si Dennis?

Sabi ng iba, gusto lang magpaka-kontrobersiyal ng sumulat ng istorya para pag-usapan sila. Isyu pa naman ngayon ang kasalang man to man at woman to woman. Naku, saan na ba papunta ang Pilipinas kapag natuloy ang same sex marriage na ihahain din sa Senado? Kung sabagay, overpopulated na talaga ng mga Pilipino na nasa 95 million na yata. Pero solusyon na ba ’yun?

Aimee nagka-phobia na sa bangka

May bagong album nang inihahanda ngayon si Aimee Torres para sundan ang hit song niyang Pusong Bato. Kung saan-saang lupalop na siya nakarating dahil sa pinasikat na kanta. Big hit lagi ang show niya kasama ang iba pang performers.

Nakaranas na ring manganib ang kanyang buhay at halos lahat ng santo ay natawag niya sa tindi ng takot nang minsang abutan sila ng lindol sa dagat. Animo’y duyang umuugoy sila habang sakay ng bangka papunta sa isang maliit na probinsiya para sa show. Nagkataong may lindol pala noon at naaabutan sila sa gitna habang pauwi.

Sabi ni Aimee, nagka-phobia na siyang sumakay uli sa maliit na bangka.

AIMEE

AIMEE TORRES

CARLA

CARLA ABELLANA

DAPAT

DENNIS TRILLO

MY HUSBAND

PUSONG BATO

SABI

TOM RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with