Vilma ipinasa na ang ‘bato’ kay Jennylyn
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - July 1, 2013 - 12:00am

Bitin ang paggi-guest ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa Team TweetHearts with leader Jennylyn Mercado dahil wait pa sa July 7 ang televiewers ng Sunday All Stars para mapanood ng buo ang guesting niya. Taped na ito na ipinakita lamang ang pag-aabot ni Gov. Vi ng bato kay Jennylyn dahil ang concept nila this Sunday ay ang local super heroes. 

Tanong lang, dapat ba talaga ay mag-appear si Laguna Governor ER Ejercito na ang introduction ni Jennylyn ay siyang tunay na “Hari ng Tondo” pero hindi naman yata dumating ang actor-politician?

Congratulations sa Tropang Trending ni Mark Bautista dahil sila ang nanalo sa best team performance. Iba ang presentation nila na walang kumanta pero sa pamamagitan ng sayaw, naipakita nila ang Kalye concept nila. First time namin nakitang kaya palang mag-tumbling ni Mark. Nanalo namang best performer si Rochelle Pangilinan. 

Mabuti naman at may cash prizes nang napapanalunan ang mga winner at hindi basta gift certificates lamang ang natatanggap nila.

Louise nire-request nang pagandahin

Tiyak na ikatutuwa ng televiewers ng Mundo Mo’y Akin na na-extend pa ulit ng another two weeks ang drama series na nagtatampok kina Alden Richards, Louise delos Reyes, Lauren Young, with Jaclyn Jose, Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, at Angelika dela Cruz, sa direksiyon ni Andoy Ranay. Mababago kaya ang finale ng story at magiging beautiful ending na ba dahil sa requests ng fans at ng mga sumusubaybay nito? May mga nagsasabi kasing huwag nang pagandahin si Marilyn (Louise) para mapatunayan na ang true love ni Jerome (Alden) ay walang tinitingnan kung pangit ang mukha, basta maganda lamang ang kalooban. 

Gusto naman ng iba ay pagandahin na si Marilyn para naman mawala na ang panlalait sa kanya kahit ng kanyang lolang si Donya Charito (Jaclyn) at ni Darlene (Lauren) na hindi pa rin nagbabago ang ugali at kahit kaharap ang tunay na lola at ama ni Marilyn ay sinasabihan na pangit at mukhang unggoy ang dalaga. Ano naman ang mangyayari kina Perlita (Sunshine) at Giselle (Angelika)?

Ritz masaya sa PG classification

Pilot telecast na ma­maya ng sexy serye ng TV5 na Misibis Bay. Tinaguriang “Virgin Bombshell” ang bidang si Ritz Azul na hindi nakapaniwalang nabigyan sila ng PG (Parental Guidance) classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa kabila ng pagpapaka-daring niya sa dance sequence niya na inaakit niya si Christopher de Leon.

Anyways, back-to-back-to-back ang drama ng tatlong serye ng TV5: ang Cassandra: The Angel Warrior ni Eula Caballero at 7:00 p.m., Undercover ni Derek Ramsay at 7:30 p.m., at ang Misibis Bay at 8:00 p.m.

ALDEN RICHARDS ANDOY RANAY ANGEL WARRIOR ANGELIKA BATANGAS GOV DEREK RAMSAY DONYA CHARITO EULA CABALLERO MISIBIS BAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with