Gov. Vi senior citizen na, excited na ring maging lola!
Lanie B. Mate (Pang-masa) - June 28, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Hindi itinatanggi ni Gov. Vilma Santos-Recto na  kandidata na siya sa pagka-senior citizen. 

Kaya excited na raw rin siyang magkaapo kay Luis Manzano. Pinariringgan na raw niya si “Lucky” kung kelan siya nito bibigyan ng baby.

Bukod dito dream din niyang mag-travel sa iba’t ibang bansa at asikasuhin ang kanyang mga anak kasama na ang pangarap niyang apo. Welcome na raw sa kanyang tawagin siyang Lola Vi.

Tiyak na hindi lang pumapalakpak ang tenga ni Jennylyn Mercado sa paghirit ng kanyang future mother in law na si Gov. Vilma sa anak nitong si Luis na BF ng aktres na bigyan na nga siya ng apo ng mabuting gobernadora.

Ayaw pang isipin ni Ate Vi ang 2016 elections na matunog na inaalok siyang bise presidente. Ang concentration daw niya ay matapos ang kanyang huling termino bilang governor ng Ba­­ta­­n­gas­ with a passing grade.

 â€œPero how can you argue with destiny? Iba ‘yung destiny sa nagplano ka. Pero no plans yet in 2016. Not yet,” sabi ni Ate Vi sa presscon ng Micronut­rient Deficiency: Kaya Natin Laban ng Bearbrand kahapon na ginanap sa Shangri-La Hotel.

Samantala, dumating si Jennylyn Mercado sa Shangri-la na may bitbit na flowers at basket of goods. Pero umurong siya nang makitang maraming photographers sa loob ng function room.                                                                

ATE VI JENNYLYN MERCADO KAYA NATIN LABAN LOLA VI LUIS MANZANO PERO SHANGRI-LA HOTEL SHY VILMA SANTOS-RECTO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with