^

Pang Movies

Kahit walang nagawa sa career ang kaseksihan: Sam lumaban sa Sexiest Woman-Asia

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Lumaban si Sam Pinto sa Sexiest Woman-Asia in Thailand two days ago. Wala pa tayong balita kung ano ang nangyari sa kanya sa regional tilt.

Kung nagwagi ang starlet na third time ng Sex­iest Woman ng FHM-Phi­lippines.

Talagang uso na pala ang mga sobrang payat o anorexic beauties.

Sakaling magwawagi si Sam sa ikatlong pagka­kataon sa FHM sexiest title, dapat lang. Alam natin ang malaking effort na ginagawa ng kanyang kampo kaya two consecutive years na niyang nasungkit ang title.

Kaya lang, tila walang nagawang magic ang sexiest title sa kanyang showbiz career.

Amalia Fuentes mas feel maging mayaman

Ang pagbabalik ni Amalia Fuentes sa ABS-CBN to finally accept the first teledrama of her suc­cessful career, ang top news last Wednesday. Ga­ganap sa papel na magbabangon sa nalugmok sa dus­ang si Judy Ann Santos, sa Huwag Ka Lang Ma­wawala ang kanyang character sa bagong tele­serye ni Juday.

Very close to her heart ang role sa woman empo­werment kaya hindi nakatanggi si Miss Number One. It is a far cry na puritang ala-Bella Flores na nilayasan niya sa Muling Buksan ang Puso na nakasama sana niya si Susan Roces.

Pinasalamatan ni Amalia ang ABS-CBN for the second chance, lalo na ang net­work executive na si Deo Endrinal. Pinuri rin niya at hinangaan ang husay sa pag-arte ni Juday. Gulat na gulat si Fuentes sa bilis mapaiyak ng soap ope­ra queen sa madudulang eksena. Dapat lang sumabay sa dramahan ang senior actress. Kundi, sasapawan siya ng buong-buo ni Juday sa mga tagpong magkasama sila.

Aktor big time na, binigyan ng pangarap na bahay at maraming datung ng kanyang papa

Kalat na ang tsikang pumatol na ang macho actor sa isang very rich and po­werful politician. Ang kapatid na never sigurong lalantad sa liwanag ay “Biglang-Datung” ang bansag na middle name.

Lahat ng nakarelasyon niyang mga pogi sa showbiz ay nakapagpatayo ng magagarang bahay at nakabili ng expensive car. Amazing ang paglago ng bank deposit ng kanyang current macho boyfriend. Meron na ring sariling checking account, na tiyak na hindi tatalbog ang tsekeng ibabayad sa mga creditor.

Inaasahang bago matapos ang 2013, sisimulan na ring itayo ang dream house ni pogi. Makakalipat na siya from his crowded condo unit na hindi pa tapos hulugan.

Fans ni Nora umabsent sa trabaho para magbunyi sa panalo

Masayang-masaya si Nora Aunor nang tanggapin ang kanyang ika-pitong best actress trophy mula sa mga Manunuri ng Pelikulang Pilipino for Thy Womb. Naka-simpleng gray suit with sequins ang Superstar, na binigyan ng standing ovation ng kanyang mga kapwa artista at kasamahan sa industriya.

Lubhang mahalaga ang Urian best actor award for Jericho Rosales for Alagwa. Si Brillante Mendoza ang nagwagi ng best production design award for Thy Womb.

Mahigit na 100 loyal Noranians ang dumalo sa gabi ng parangal at lahat sila ay labis na nagbunyi sa muling tagumpay ng kanilang idolo. Kahit ang fans na nagtuturo sa mga kilalang university, nag-absent sa klase upang makiisa sa tagumpay ni Ate Guy.

Mga taga-mainstream cinema kibit-balikat sa mga nanalo sa Urian

Nagkibit-balikat ang ilang kilalang taga-mainstream cinema sa resulta ng Urian Awards. Obvious na hindi sila sang-ayon sa mga pinarangalan ng Manu­nuri ng Pelikulang Pilipino.

Para namang bago nang bago kayo sa Urian. Ganyan talaga ang kanilang grupo na palaging naiiba ang choices sa ilang award-giving bodies. Kung ang kanilang mga winner ang pumasa sa sariling standards ng grupo, wala naman kayong magagawa.

Magtayo na lang kayo ng sariling award-giving body, para lahat ng gusto ninyong manalo, mag-uuwi ng inyong tropeo.

AMALIA FUENTES

JUDAY

PELIKULANG PILIPINO

SHY

THY WOMB

URIAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with