^

Pang Movies

Bentang-benta ang show sa mga preso Rosanna Roces suki sa Munti

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Sa Muntinlupa prison pala nagso-show ngayon si Rosanna Roces. Popular ang dating sexy star sa mga inmate. Nagbubunyi sila kapag dumadalaw ang aktres doon. Tulad nang minsan na kumuha siya ng talent fee for a forthcoming show, palakpakan ang mga kalalakihan habang dumadaan sa mga selda nila si Osang.

Ngayon pinagsisilbihan pa ng asawa Hairstylist nakapagpalaya ng preso, kinasama at naging katuwang pa sa lumagong negosyo!

Naalala tuloy namin ang isa sa pinakasikat na hairsty­list/beautician sa kanyang panahon. Sa isang charity gift-giving sa Muntinlupa, meron siyang nakilalang poging bilanggo. Nakumbinsi ang sikat na beautician of stars na nakulong ang menchu kahit walang kasalanan.

Ginawa ng baklesh ang lahat upang lumaya agad ang pogi. Paglabas ay naging live-in partner niya. Nagpundar pa sila ng poultry at piggery na na­ging maunlad. Yumaman ang dating nasa piitan at na­dagdagan pa ang pera ng mayamang bading!

Kahit nag-asawa na ang itinuring niyang mister, doon pa rin siya tumutuloy sa bahay ng mag-asawa. Pinagsisilbihan pa siya nang husto ng misis ng da­ting boyfriend!

8 entries sa MMFF inaabangan na

Talagang mabilis magtrabaho ang Metro Manila Film Festival (MMFF) executive committee sa pamumuno ni Chairman Atty. Francis Tolentino.

Ipapahayag na sa media ang napiling walong official entries sa 2013 MMFF. Nakaabang ang lahat ng taga-industriya, pati na ang lahat ng tu­matangkilik sa taunang filmfest, na sa buong bansa na gina­ganap.

Thy Womb at Posas lalaban sa German filmfest

Kasali sa competition ng 31st Munich International Film Festival sa Germany on June 28 to July 7 ang Thy Womb ni Brillante Mendoza starring Nora Aunor. Sa Cinemasters sec­tion kalahok ang Pinoy indie film at ilan sa mga makakalaban nito ay ang The Immigrant ni James Gray, Ashgar Aarhadi’s The Past at ang Cannes’ Palme d’Or winner na Blue is the Warmest Color.

Ang Posas ni Lawrence Fajardo ay kasali sa International Independent Section along with well-acclaimed worldwide attractions.

Lirio Vital at Mon David patok pa rin sa US

Big hit ang recent live concert nina Lirio Vital, Ivy Violan, Djoanna Garcia, at Mon David na tinanghal sa Los Angeles, California.

Ang mga nabanggit ay pawang US-based, pati ang Pinoy King of Jazz na si Mon David, na madalas magtanghal sa iba’t ibang US clubs. Kung minsan si Mon pa ang opening act ng mga visiting Pinoy singer na nagtatanghal doon.

Si Lirio naman, na kahit busy sa kanyang pa­milya, may oras pa upang mag-live concert. Si Djoan­na ‘‘Gigi’’ Garcia very beautiful pa kahit med­yo overweight.

Pokwang hindi isinuko ang Bataan sa British na manliligaw

Career first before love ang sinusunod ni Pokwang ngayon. Noong nagpunta rito ang kanyang British suitor ay hindi man lang nagparamdam sa kanya. Baka nainip na dahil sa pagpapakipot ng komedyana.

Alam naman natin ang ibang foreigners, gusto tikim agad. Kundi papayag ang niligawan, hahanap bigla ng easy to get. Hindi naman puwede kay Pokwang na isusuko agad ang Bataan.

ANG POSAS

ASHGAR AARHADI

LIRIO VITAL

MON DAVID

POKWANG

SHY

THY WOMB

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with