Bagong star mentors ipapakilala sa I-Shine talent camp 2
Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - June 4, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Isang bagong batch ng i-Shiners ang gagabayan at sasanayin sa Promil Pre-School i-Shine Talent Camp 2, isang reality TV program na hahanapin ang pinakamagagaling na pre-schoolers sa bansa upang hasain ang kanilang mga talento kasama ang kanilang mga magulang.

Mas exciting ang pangalawang season ng Promil Pre-School i-Shine Talent Camp dahil sa mas ma­lawak na development programs, mas malalaking papremyo at mas magagaling na contestants. Bukas ang programa sa mga batang nasa edad tatlo hanggang pitong taong gulang, na hahatiin ayon sa kanilang talento sa pagkanta, pagsayaw, at pag-arte. Ang tatanghaling pinakamagaling sa bawat grupo ay mag-uuwi ng P200,000. Ang Grand i-Shiner naman ay magwawagi ng karagdagang P300,000, Star Magic at Promil Pre-School talent contracts at isang taong supply ng Promil Pre-School.

Pangungunahan ng award-winning actor, recording artist, at movie producer na si Piolo Pascual ang coaches ng 2nd season ng reality talent show. Makakasama niya ang stage actress at acting teacher na si Pinky Amador at ang sikat na dance teacher at choreographer na si Georcelle Dapat upang turuan ang mga batang nasa edad tatlo hanggang pito sa pagkanta, pag-arte, at pagsayaw.

Magbabalik naman sina Dimples Romana, Matteo Guidicelli, at Xian Lim para mag-host ng i-Shine Talent Camp 2 na siguradong maiiba sa unang season dahil mas bibigyang diin nito ang kuwento at reaksiyon ng mga magulang ng i-Shiners.

Itinanghal nang isang champion karter si Matteo habang hinasa na ni Xian ang kanyang galing sa pag-arte at pagkanta noong sila’y mga bata pa lamang. Napansin naman agad ang husay ni Dimples sa pag-arte noong sinisimulan pa lang niya ang kanyang karera sa murang edad.

“Excited kaming makasama sa season na ito ang bagong mentors at nagbabalik na hosts para mas lalong pang mapag-ibayo ang talento ng mga mapipiling i-Shiner. Magsisilbing pagkakataon ang Promil Pre-School i-Shine Talent Camp 2 para mas masuportahan ng mga magulang ang pag-unlad ng kanilang mga anak. Sa pamamagitan nito, sana’y ma-inspire namin ang marami pang mga magulang na alamin at hubugin ang angking galing ng kanilang mga anak,” sabi ni Promil Pre-School senior product manager na si Rhea Villareal.

Ang Promil Pre-School’s I-Shine Talent Camp 2 ay magsisimula sa ika-8 ng Hunyo bago ang rewind ng Please Be Careful With My Heart sa ABS-CBN Channel 2.

ANG GRAND ANG PROMIL PRE-SCHOOL DIMPLES ROMANA GEORCELLE DAPAT I-SHINE TALENT CAMP PRE PROMIL PRE-SCHOOL SHINE TALENT CAMP
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with