^

Pang Movies

Coco napapadalas ang pagko-collapse, kinakapos ng hininga at feeling pagod na pagod

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Dapat magpa-check up ng husto si Coco Martin. Hindi lang pala first time ang pag-collapse niya sa set ng Juan dela Cruz kamakailan. Madalas pala siyang kinakapos ng hininga at feeling pagod na pagod!

Obvious na overworked na ang aktor. Siya kasi ang may gusto na lahat ng pagkakakitaan, basta marangal, gagawin niya ang trabaho. Habang nasa kasikatan siya, gusto niyang samantalahin ang lahat ng pagkakataon.

Mabuti na ang maagap. Magpahinga ka sa ospital ng isa o dalawang araw para magpa-executive check-up. Baka kung ano na ang diperensiya ng iyong pagod sa katawan.

Artista adik na sa casino, mga ex na sugar daddy at anak kinikikilan

Isang artistang addict sa casino ang involved sa maraming iskandalo. Kapag naubos na ang baong pera tuwing nagsusugal, hindi niya alam kung saan kukuha ng dagdag na puhunan. Pati ang mga dating sugar daddy ginugulo.

Minsan pati pera ng anak niya ay pinakialaman. Nahihiya naman manghingi uli ang supling sa bigay na malaking allowance ng kanyang boyfriend.

Aktor panay ang painom, guys na bisita may pakimkim at giveaways pa!

Hanggang ngayon ay pinagtsitsismisan ang kasa­rian ng aktor kasi naman pati ang mga poging crew member sa shooting ay nate-take home na niya. Sabi meron lang silang inuman sa bachelor pad ng artista. Agad naman sumasama kung sino ang nakukumbida.

Haping-happy sa magdamagang “drinking spree” ang boys. Bukod kasi sa generous pa­kimkim, may uwi pang mga expensive giveaway tulad ng signature relo, T-shirts, or bags.

Pero peks man, inuman lang talaga ang nagaganap walang halong malis­ya, please.

Kylie kayang magpakita ng cleavage kapag may TV guesting

Sobrang kinabahan si Kylie Padilla nang masabi sa kanyang nadisgrasya sa kotse si Aljur Abrenica. Buti na lang hindi naman pala nasaktan ang aktor. Ang kanyang sasakyan lang ang nagtamo ng pinsala.

Pinagsabihan naman ng ma­ayos ni Kylie si Aljur na huwag mag-speed kapag dumaraan sa mga makikipot na kalye. Ang ibig sabihin, likas na kaskasero ang artista. Mahirap nga naman na labis pang maaga upang mabiyuda ang aktres!

Napanood namin si Kylie sa isang talk show na very sexy ang ayos. Kita pa ang kanyang clea­vage. Kung sa StarTalk ay maaari siyang magpa-sexy, bakit may mga sinasabing restriction sa kanyang taping ng teledrama o shoo­ting ng pelikula?

Ang Lee bibitawan na ang Tyrant, uunahin ang kalusugan

Tingnan natin ang Oscar award-winning director na si Ang Lee. Kahit sikat na sikat siya sa buong mundo at blockbuster lahat ng kanyang ginagawang pelikula, umayaw na siya sa FX series na ang simula ang Tyrant.

Apat na taon niyang ginawa ang award-winning Life of Pi. Ngayon naramdaman niyang kailangan magpahinga. Higit na mahalaga ang kanyang kalusugan kahit gustong gusto niyang gawin ang Tyrant.

Venus tututok sa graduate school sa UP

Suma cum laude masscom graduate si Venus Raj sa Bicol University. This June ay papasok siya sa graduate school ng University of the Philippines sa course na community development.

Sanay kasi ang former beauty queen na palaging busy kaya mag-aaral muna siya bilang pansamantalang natigil ang kanyang showbiz career. Higit na may oras si Venus para sa kanyang sarili nang mag-break sila ng kanyang boyfriend na si Andrei Felix.

Puwede namang tumanggap ng role sa isang teledrama si Venus na one or two days taping a week. Maraming mga teleseryeng character ang babagay sa kanya.

Andrea sigurado na ang future kapag pumatok sa Annaliza

Kapag nakakuha ng mataas na ra­ting ang Annaliza, which will start airing this week, magkakaroon ng bagong bankable star ang ABS-CBN, si Andrea Brillantes.

Ang original na Annaliza ang naglunsad sa career ng yumaong si Julie Vega. Baka maging masu­werte rin ang show para kay Andrea, na hindi po anak ni Direk Brillante Mendoza dahil magkaiba naman sila ng apelyido.

Mabigat ang supporting cast ng bagong Annaliza, na siguradong makakatulong sa bid ni Andrea to stardom.

ALJUR ABRENICA

ANDREA

ANDREA BRILLANTES

ANG LEE

ANNALIZA

KANYANG

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with