Pinakamagastos na serye sa GMA tinuldukan na
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 27, 2013 - 12:00am

Natapos noong Huwebes ang taping ng Indio ng GMA 7.

Si Sen. Bong Revilla, Jr. ang nagkuwento sa akin tungkol sa last taping day ng Indio dahil namigay siya ng mga souvenir sa production staff. Souvenir daw o!

Ang Indio ang pinakamagastos na primetime show ng GMA 7 dahil sa laki ng cast, bonggang production design, at special effects.

Malungkot si Bong sa pagwawakas ng Indio dahil naging close siya sa kanyang co-stars at production staff. At the same time, looking forward si Bong sa grand vacation nila sa US ng kanyang pamilya.

Jed Salang naudlot sa buwelta kay AiAi

Naunsiyami kahapon ang exclusive interview ni Boy Abunda kay Jed Salang pero kung nagkataong natuloy ay hindi ko rin mapapanood dahil nagpunta ako sa Lobo, Batangas.

Si Jed ang estranged husband ni AiAi na piniling huwag magsalita kahapon sa The Buzz. Pero alam n’yo ba na dream pala niyang maging artista noong bagets pa siya?

Siguro naman, hindi pinangarap ni Jed na ma­kilala siya bilang umbagerong dyowa ni Ai­Ai kaya hindi siya nagsalita kahapon sa TV.

Ebidensiya sa pagiging gobernador ni Ate Vi kitang-kita

Ang ganda-ganda ng mga kalsada sa Batangas province at dahil ito sa magandang paglilingkod ni Gov. Vilma Santos-Recto.

Ang sabi ng may-ari ng isang restaurant sa Batangas City na kinainan namin, mahusay na gobernadora si Mama Vi kaya landslide victory siya sa katatapos na eleksiyon.

Kitang-kita naman ang ebidensya ng husay ng administras­yon ni Vilma sa mga bayan na nadaanan ko nang pumunta ako kahapon sa Lobo.       

Kapatid nina Gretchen at Claudine ibinunyag ang matagal nang sistema ng ina

Matindi ang statement ni Jayjay Barretto laban sa kanyang nanay na si Inday Barretto.

The who si Jayjay? Siya ang kuya at defender ni Gret­chen na nagpainterbyu kay Jo-ann Maglipon ng YES! Maga­zine.

Ang sabi ni Jayjay, siya ang favorite son ni Mommy Inday at si Claudine ang favorite daughter.

Walang takot na ibinuko ni Jayjay na si Gretchen ang least favorite ng kanilang ina.

Ni minsan daw never niya na narinig na pinuri ng kanilang ina ang achievements ni Gretchen at ito raw ang madalas na napapagalitan ni Inday noong araw.

Hindi masabi ni Jayjay kung bakit hindi favorite ni Inday si Gretchen. Siguro raw, normal sa isang pamilya na may mga paboritong anak ang mga nanay at sa kaso ng mga Barretto, hindi si Gretchen ang favorite.

ANG INDIO ATE VI BATANGAS BATANGAS CITY GRETCHEN INDIO JAYJAY JED SALANG SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with