^

Pang Movies

Charice mahilig sa babaeng fans!

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kung anu-ano na ang lumalabas na haka-haka si­mu­la nang magkaroon ng premature judgment tungkol sa tunay na kasarian ni Charice. Ang sabi ng mga taong malapit sa kanya, huwag naman nating pangunahan ang international singer hanggang hindi talaga galing sa kanya ang pag-amin na isa siyang tiboli o lesbiana.

Ang latest, noon na hindi pa kumakalat ang kanyang diumano’y pagka-tibo, ang kanyang fans na chicks ay natutulog na katabi ni Charice. Ano naman ang kaso, pareho naman silang mga babae?

Bakit ba noong buhay pa si Michael Jackson, natulog na may katabing boys. Nademanda pa ang dating King of Pop ng child abuse. Wala rin namang napatunayan at pinawalang sala siya.

Hayaan na muna natin si Charice na mag-isip kung mag-o-open nga siya. Kung ang desisyon niya ay manahimik, igalang natin ito, dahil everyone is entitled to his own privacy.

Aga na-hocus-pocus sa Bicol

Sana matulungan ng kinauukulan si Aga Muhlach tungkol sa kaso ng pandaraya sa kanya sa fourth district ng Camarines Sur. Matagal kasing lumamang sa bilangan ang aktor. Itinigil ang canvassing ng mga boto at bigla na lang siya natalo sa eleksiyon.

Ang ma-delay ang resulta sa isang maliit na distrito, kaduda-duda na baka may hocus pocus na nagaganap. May katuwiran si Aga at sana lumabas ang katotohanan.

Aktor iniwan ang pamilya, sumama sa bading na madatung!

Nagtataka ang mga showbiz insider na iniwan ng isang poging aktor ang kanyang asawa’t anak. Ang chismax, ipinagpalit ang kanyang pamilya sa isang very rich na bading.

Opinyon naman ng mga kafatid, puwede rin namang ibigin ang mga baklesh kaya’t hindi dapat ipagtaka ang weird na pangyayari.

After all, marami namang mga baklesh na likas na mahahaba ang buhok at ubod ng ganda… ang mga bulsa!

Gretchen talbog na sa pananamit ng pamangkin na si Julia

Move over Gretchen Barretto. Meron nang bagong diyosa ng kagandahan — ang young and lovely na si Julia Barretto. At sana maging maingat sa pagsasalita ang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla at wala siyang hilig na magpahayag ng mga saloobing makakasira sa pamilya sa mga social network.

Mukha namang mahinhin si Julia at mahusay din siyang magdala ng damit tulad ng kanyang Tita Gretchen. Kahit na hindi naman signature dresses, shoes, and accessories ang suot ng sweet teener, mukha siyang class and young fashionable star!

Pelikula ni DiCaprio na pang-Cannes filmfest palabas na sa Metro Manila

Palabas na ang The Great Gatsby sa Metro Manila theaters na bida si Leonardo DiCaprio. Wala kaming time na sa 66th Cannes International Film Festival pa dumayo sa screening nito doon, manonood na kami dito.

Ang version ng Gatsby na ipinapalabas na nga­yon ay available rin sa 3D sa maraming sinehan. Si DiCaprio ang nag-portray ng title role, si Jay Gatsby, na mahilig mag-host ng mga lavish party noong era ng ’20s.

Annabelle nagbilin sa congressman ng Cebu

Nangako si Annabelle Rama na babalik siya sa political scene ng Cebu sa mga darating pang eleksiyon. Sinabi niyang hindi pa tapos ang kanyang political career at ipagpapatuloy niya ang pagtulong sa kanyang mga kababayan sa Queen City of the South.

Ang bilin niya sa nagwaging congressman sa kanyang distrito sa Cebu, ‘‘Gamitin mo ang pork barrel ng tama.”

Beverly Vergel sa Viva na magtuturo ng acting workshop

Malugod naming tinanggap ang balitang nagbalik na sa showbiz si Beverly Vergel at siya ang namamahala ng summer acting workshop ng Viva Entertainment.

Anak nina Alicia Vergel at Cesar Ramirez at kapatid ni Ace Vergel, nagturo ng acting si Bev sa mahigit na 10,000 potential stars sa ABS-CBN par­ticularly sa mga talent ng Star Circle. Hindi namin nalaman ang dahilan kung bakit biglang nawala sa network ang premyadong aktres.

Siguradong magtutuluy-tuloy ang kanyang mga acting workshop sa Viva at marami naman siyang huhubuging mga talent to full stardom.

ACE VERGEL

AGA MUHLACH

BEVERLY VERGEL

CEBU

CHARICE

KANYANG

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with