^

Pang Movies

Vice Ganda araw-araw nakikita sa salamin ang karma

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Isang reaksiyon tungkol sa fabled pagyayabang at panlalait sa kapwa ng beking komedyanteng si Vice Ganda.

‘‘Naku, hayaan na lang natin siya kasi meron na siyang karma na habambuhay niyang dala-dala,’’ say ng isa ring bading. ‘‘Kahit sing-yaman siya ni Willie Revillame; kahit itambak niya ang lahat ng buhok sa isang side ng kanyang fez o kahit mapuno niya ang lahat ng concert venues — tabingi pa rin ang mukhang makikita niya pagharap sa salamin.’’

Tanong naman ng isa pang baklita: ‘‘Puwede na bang lagariin ang facial bone structure? Baba, delikado. Baka lalo pa siyang gumanda.’’

Precious at Marco salitan sa pag-yaya sa anak

Meron na palang anak na lalaki ang mag-asawang Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz. Ayaw ng dating Miss International na kumuha ng yaya dahil gusto niyang maranasan ang pag-aalaga ng kanilang son na si Noah Lamar.

Kapag may trabaho siya, si Marco ang nag-aalaga sa baby na mag-iisang taon na sa Nov. 12.

Isa kaya sa mga ninong ng bata si Arnold Vegaria?

Mag-asawang artista yumaman mula nang magka-posisyon ang kamag-anak

Naghihikahos na noon ang mag-asawang artista. Naging successful potician ang kanilang relative at sinamantala naman nila.

Nakakuha sila ng mga project na pinagkakitaan nang husto. Today, mayaman na sina mister & misis kahit hindi na sila maghintay ng mga showbiz assignment.

Basta’t hanggang nasa puwesto ang kanilang relative, tuloy ang pagdating ng good fortune sa kanila. Higit silang magkakamal ng salapi kung isa sa kanila ang papasok sa pulitika. Hintayin natin ang 2016.

Sam Pinto buto’t balat na

Nakita namin ang latest photo ni Sam Pinto. Higit siyang very skinny ngayon.

Magustuhan naman kaya ng magiging boyfriend niya kung pawang buto’t balat ang mayayakap niya sa two-time FHM sexiest woman?

Geoff ilalagay sa gag show kapag ’di namayat

Nakatanggap naman ng memo sa management ng kanyang network na kailangan na niyang magbawas ng timbang. Payag naman ang aktor at kanyang manager na sumunod. Hindi lang nila alam kung anong klase ng workout o pagda-diet ang gagawin ni Geoff Eigenmann.

Kapag nanatili kasi siyang overweight, hindi na siya mukhang leading man. Baka sa gag show na lang siya mailagay bilang comedian.

Oil ni Mrs. Villar magaling sa rayuma

Sa lahat ng mga election giveaway mula sa mga senatoriable, well-appreciated ang citronella massage oil mula kay Mrs. Cynthia Villar. Ipahid lang sa mga sumasakit na binti o paa tanggal na ang sakit ng rayuma.

Sa ngayon, hindi pa commercially available ang produkto ng Villar Foundation sa kanilang Misis Hanepbuhay project. Saan kaya kami makakabili kapag naubos ang ibinigay ni Mrs. Villar? Problema ito ng mga kapwa ko senior citizens tulad nina Manay Ethel Ramos at Lolit Solis.

ARNOLD VEGARIA

GEOFF EIGENMANN

HIGIT

KAPAG

LOLIT SOLIS

MRS. VILLAR

SAM PINTO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with