^

Pang Movies

TV network nagkakaubusan na ng mga alagang sikat

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Mukhang mauubusan ng mga bankable star ang isang network. Matagal na kasing gustong lumipat ng mga leading contract star nila.

Naghihintay na lang matapos ang contract ng isang leading man at pipirma na ito sa ibang network. Isa pang favorite actor, ongoing na ang negotiation sa kabilang network. Pati mga female star ready for transfer.

Naku, dalian ninyo ang paghahanap ng mga potential star sa maraming talent search shows.

Alex naging modelo ng mga kalansay

Kay Toni Gonzaga natin nalaman na ang kanyang kapatid na si Alex ay naging modelo sa mga biology class ng skeletal system. Kaya pala mistulang buto’t balat na ang younger sister!

Alex, higit na madaling magpataba kesa mag­papayat. Huwag kang matuksong magkakain at baka mahirapan kang magbawas ng timbang kapag naging matsay ka!

Ara lulubus-lubusin na ang pagpapatawad kay Cristine

Upang malubos ang pagpapatawad ni Ara Mina sa kanyang kapatid, iurong na niya ang demanda laban kay Cristine Reyes na grave coercion.

Sabi ni Ara, hindi magandang sabihin na nagpatawad na siya pero tuloy pa rin ang kaso nilang dalawa sa korte.

Angelica inuungkat ang mga lumang kuwento sa mga nakarelasyon

Matagal na ang breakup nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino pero kailan lang niya ipinahayag na ang third party na dahilan ng hiwalayan ay si Camille Prats. Pareho pang dalaginding ang dalawa at nakakagulat kung bakit inuungkat pa ni Angelica.

Humanda kayong may naging relasyon o away with her. Bukas-makalawa, kayo naman ang bibinyagan niya.

Quiet lang sina Camille at Carlo at ayaw nang ungkatin pa ang ibinaon na sa limot.

ALEX

ANGELICA PANGANIBAN

ARA MINA

CAMILLE PRATS

CARLO AQUINO

CRISTINE REYES

KAY TONI GONZAGA

MATAGAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with