Willie Revillame wala nang pupuntahan pag tsinugi ng TV5
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 25, 2013 - 12:00am

Mabilis na sinagot ng presidente at CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos Concio na hindi totoong babalik si Willie Revillame sa ABS-CBN. Wala raw silang anumang pag-uusap, at wala siyang alam na pakikipag-usap ng sino man kay Willie tungkol sa pagbabalik noon sa network.

Idinugtong pa ni Charo na happy naman sila sa Showtime at sa ratings nito. Hindi pa nga rin nila tinatalo ang Eat Bulaga, pero bakit natalo ba naman nila ang Eat Bulaga noong naroroon pa sa kanila si Willie? Hindi rin naman. Ang laki pa ng gastos sa show ni Willie dahil ang daming perang ipinamimigay nila talunin lang ang Eat Bulaga, pero hindi pa rin nakaya ni Revillame.

Sumakit pa ang ulo nila nang baltikin iyon,­ at matapos nilang suspindihin, lumayas, lumipat sa TV5 kahit na may kontrata pa sa kanila. Idinemanda pa sila noong hinahabol nila. Kung ganyan ang pangyayari, tatanggapin mo pa ba iyang ganyang talent ulit? Sana kung basta magbalik siya ay mapapataob niya ang Eat Bulaga. Halimbawa nag-show si Willie sa Channel 5, at nagkaroon iyon ng ra­ting na 32 man lang, baka habulin siya ng ABS-CBN. Pero kung ang rating niya ay naglalaro lamang sa 7 hanggang 9 porsiyento, bakit mo naman siya hahabulin eh mas malakas pa iyong nasa iyo na.

Siguro naisip lang ng mga alipores ni Willie na magpakalat ng ganyang tsismis dahil matatapos na ang kanyang kontrata sa TV5, at baka sakaling may interest pa sa kanya ang ABS-CBN, tiyak susunggaban niya iyon. Hindi tumaas ang ratings niya sa TV5 eh. Siguro nagpapa-importante rin siya sa TV5 baka pagkatapos ng kanyang kontrata ay sabihan din siyang “you failed to deliver”. Saan siya pupunta, sa Channel 9 o sa Channel 4? Kasi doon puwede na siyang blocktimer, masusunod pa lahat ng gusto niya. Pero siya ang mamumuhunan.

Noon ngang nasa gabi siya tinatalo pa siya ng TV Patrol at 24 Oras. News lang iyon ha, siya namimigay ng milyun-milyon.

  Ngayong nasa tanghali siya, lalo na siyang inilalampaso ng Eat Bulaga.

Aga tapos na ang problema

Natutuwa naman kami at kinumpirma ng Court of Appeals ang kanilang nauna nang desisyon na si Aga Muhlach ay isang kuwalipikadong botante sa Camarines Sur at kuwalipikado ring kumandidato sa nasabing lugar. Hindi namin ikinakaila, kaibigan namin ang batang iyan. Sa amin kung matatalo siya sa isang eleksiyon, ok lang eh. Natalo siya eh. Pero iyong pinipilit na pigilan ang kanyang kandidatura kahit na kuwalipikado naman siya sa pamamagitan ng pag-imbento ng kung anu-anong bintang na hindi naman nila kayang patunayan sa hukuman, doon kami naiinis.

Kaya nga kung minsan maiisip mo, mas marumi talaga ang pulitika kaysa sa showbusiness.

Aktres parang hopiang hindi mabili, nag-aaya ng sex sa actor

Ang kapal din naman ng mukha ng isang female star. Akalain mo ba namang kinausap niya ang isang male star na nakasama lang niya sa isang show at niyayaya niyang makipag-sex sa kanya sa condo mismo niya? Aba ganyan na ba ngayon ang mga babae? Siya pa ang humahatak ng lalaki. Ano ba naman siya “hopiang ‘di mabili?”

 

AGA MUHLACH CAMARINES SUR CHARO SANTOS CONCIO EAT BULAGA NAMAN NIYA PERO SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with