Bb. Pilipinas winner nagulat sa panalo, never naging paborito ng judges
MASA...RAP - Ernie Pecho (Pang-masa) - April 16, 2013 - 12:00am

Chemistry graduate ang bagong Bb. Pilipinas Universe na si Ariella Arida sa U.P. Los Baños. Dati nasa laboratory lang siya, ngayon rumarampa na at nagwagi pa. Pati siya nagulat sa kanyang panalo dahil never na naging isa siya sa mga favorite sa Bb. Pilipinas Gold last Sunday evening.

Ang isang strong favorite, si Cindy Miranda, nanalo nga ng isa sa tatlong crowns pero Bb. Pilipinas Tourism lang. Si Bea Rose Santiago ang Bb. Pilipinas International.

Napatayo sa pagpalakpak sina Christopher de Leon at Sandy Andolong nang tawaging isa sa 15 finalists ang kanilang anak na si Mariel de Leon.

Lovi iniyakan ang sigaw ng director

Sa isang sulok humagulgol si Lovi Poe matapos kunan ni Director Joel Lamangan ang isang bed scene with Paulo Avelino para sa The Bride and the Lover ng Regal Entertainment, Inc.

Ang dahilan niya, ang isinigaw sa kanya ni Direk Joel ang nagpaiyak sa kanya. Naglaro tuloy sa aming mga isip kung ano ang pinagkulit sa aktres ng direktor upang mag-mistulang tigreng naglalampong si Lovi sa nasabing tagpo.

Maaaring, ‘‘Ibuka mo pa, Lovi,’’ Sige libog na libog ka,’’ o kaya’y “Itodo mo ang paggiling.’’

Sa palagay n’yo kaya gagamit ng offending words ang isang nirerespeto at multi-awarded direc­tor, tulad ni Lamangan, ibigay lang ng husto ng aktres ang gusto niyang mangyari? Dapat makausap natin ng personal si Direk Joel upang makuha kung ano talaga ang nagpaiyak kay Lovi Poe sa The Bride and the Lover.

Merong naghinala na biglang naalala ni Lovi na anak siya ng yumaong Movie King na si Fernando Poe, Jr. Hindi siya dapat binabastos sa nasabing mainit na eksena. Tiniyak naman ni Lovi na todo ang pag-alaga sa kanya ng kaparehang si Paulo lalo na sa maselang tagpo.

Jennylyn never pang nakatanggap ng alok na kasal

Pangarap din ni Jennylyn Mercado na maging isang bride, after being a lover. Kaya lang wala pa palang nag-offer sa kanya ng kasal hanggang ngayon. Kahit na si Patrick Garcia noon at Luis Manzano ngayon, hindi napag-usapan ang tungkol sa wedding.

Never na inilusyon niya na magpakasal agad kapag seryoso na ang isang relasyon. Tulad ng papel niya sa The Bride and the Lover.

Aktres muntik nang hindi siputin ng groom sa simbahan

Minsan dumalo kami upang mag-cover ng isang engrandeng kasalan. Nauna ang bride sa simbahan. Natagalan pa bago dumating ang groom at lumagpas pa sa takdang oras, wala pa siya.

Nabuo na tuloy sa isip ng iba na baka hindi siputin ang napakagandang bride. Halatang kinabahan na siya. After a quarter of an hour, dumating din ang ma­kisig na groom kaya’t nawala ang nerbiyos ng aktres.

Starlet nagpa-overhaul para magmukhang sosyal at mayaman

Mayaman na ang chipipay na sexy starlet dahil very rich ang kanyang naging lover. Say nga ng mga showbiz observers, nakahiga na sa salapi ang trying hard na artista.

Ngayon gusto niyang magkaroon ng total overhaul sa kanyang hitsura upang magmukhang class and precious. Umupa siya ng mahusay na image builder para gumawa ng milagro. Handa siyang gumasta para sa total change ng wardrobe, pati pagsusuot ng mamahaling alahas. Pagbulaga niya sa eksena, isa na siyang sosyal na artista!

Naku, ang kasabihan ni Inang, kahit balutin mo pa ng ginto ang putik, putik pa rin.

Psy naglabas ng bagong kanta, pero hindi gaanong matunog

Kapag hindi gaanong kinagat ang bagong single ni Psy (na naging sensational sa kanyang monster hit na Oppa Gangnam Style) na Gentleman, tama pala ang husga sa kanyang one-hit artist. Lalong sasabihing freak hit lang ang kanyang unang kanta.

Madonna idinenay ang pagmamaltrato sa mga pulis sa Malawi

Ang lady president mismo ng Malawi ang nagpahayag na binastos at minaltrato ni Madonna ang mga pulis doon na naging escort niya habang nasa bansa.

Siyempre ikinakaila ito ng singer/actress at sina­bing pulitika lang ang lahat ng paninira sa kanya.

Hanggang ngayon naman tinutuligsa pa ang pagpunta sa Cuba nina Beyoncé at ng kanyang mister na si Jay-Z. Merong restrictions sa mga celebrity na magpasyal doon at makihalubilo sa mga Cuban.

ARIELLA ARIDA BRIDE AND THE LOVER DIREK JOEL LOVI LOVI POE SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with