^

Dahil sa pulitika? Aga pinapatayan ng kuryente sa distrito, pati speedboat pinasabog?!

Jun Nardo (Pang-masa) - March 31, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Happy Easter to all! It’s back to normal matapos ang ilang araw na bakasyon! Balik-traffic na naman lalo na’t nagsimula na ang kampanya para sa mga local na kandidato, huh!

Sa totoo lang, Sabado de Gloria pa lang, may mga umiikot na sa aming lugar sa Sampaloc, Manila na mga sasakyan na may nakakabit na sound system kung saan tinutugtog nang malakas ang jingle nito. Hindi man lang hinintay ang pagkabuhay na muli ng Diyos bago mag-ingay.

Pero tama ang pahayag ng COMELEC na mas madugo ang labanan ng local candidates kesa sa national lalo na sa probinsiya. Heto nga’t nakatanggap kami ng balita kahapon na pinasabog ang speedboat na pag-aari ni Aga Muhlach kahapon nang umaga sa Caramoan kung saan tumatakbo siya bilang kongresista.

Ayon sa report, wala si Aga at ang kanyang pamilya sa speedboat nang maganap ang pagsabog. Ongoing pa ang imbestigasyon lalo na’t may sakay na piloto na nasugatan sa pagsabog.

Bago naman ang eleksiyon, may nakarating ding balita sa amin na sa okasyong pinupuntahan ni Aga sa distritong tinatakbuhan ay pinapatayan daw sila ng kuryente. Nagdadala na lang sila ng sariling generator in case maulit muli ang pagkawala ng kuryente.

Aba, obvious na bahag ang buntot ng mga kalaban ni Aga na gumagawa ng taktika upang masiraan ng loob ang aktor.

Marian ayaw mapunta

kay Dennis na nakasakit

Magtatapos na this week ang Temptation of Wife nina Marian Rivera, Rafael Rosell, at Dennis Trillo. Pumasyal kami sa ilan sa mga huling araw ng taping sa Victoneta Chapel sa Ma­labon kung saan ikakasal ang drama ni Marian.

Pero ayaw ibisto ng Primetime Queen ng GMA kung sino kina Dennis at Rafael ang makatuluyan niya sa ending.

“Hindi pa alam ng tao kung sino ang makakatuluyan ko. Sa April 5 (last telecast) pa. Sana huwag muna para may suspense,” rason ni Marian nakadamit pangkasal.

Kung siya ang masusunod, sino ang gusto niyang mapakasalan?

“Paano ba? Siguro sa ending namin…da­lawa kasi ang nakikita kong ending eh, puwedeng makatuluyan si Nigel (Rafael). Si Marcel (Dennis), nakita nating nagbago. Pero siyempre kahit ano pa ang gawin ni Marcel, nasaktan pa rin si Angeline.

“Ang isang tao ’pag nasaktan mo kaya mong ulit-ulitin ’yan eh, ’di ba? Eh, si Nigel, since day one, nandiyan siya para kay Angeline. Wala siyang ginawa kundi ipaglaban ang pagmamahal niya.

“’Tapos nakita natin kung gaano kabait din ang character ni Nigel dito. Si Nigel ’yung pag-uusapan dito. Parang deserving din si Nigel na mas maging masaya. Makamit niya ’yung pag-ibig na gusto niya. Para sa akin ’yon ha?” paliwanag ni Yan-Yan.

Pero sa mga series na nagawa niya’t may eksena siyang ikinakasal, pinaka-memorable pa rin kay Marian ’yung wedding scene niya sa Marimar kay Dingdong Dantes. Hindi man doon nagsimula ang pagmamahalan nila, nagkaroon naman ang katuparan ang magkaroon sila ng relasyon na ilang taon na ngayon.

 

AGA MUHLACH DENNIS TRILLO DINGDONG DANTES HAPPY EASTER KUNG MARIAN RIVERA NIGEL PERO PRIMETIME QUEEN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with