Interview ni Vilma ginawan ng intriga, ipinagsisigawang hindi raw nag-rate ng mga kaaway!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 16, 2013 - 12:00am

Nakakatawa talaga ang mga fans ng dating superstar na si Nora Aunor. Dahil siguro nga ay wala silang maibutas sa iba dahil kumpirmado namang flop ang mga pelikula ng kanilang idolo matapos na iyon ay bumalik mula sa US, kung saan siya nagtagal dahil sa kaso ng droga, pinipilit din nilang hilahin pababa ang iba.

Noong isang araw, nakita naming nakakalat sa mga social networking sites iyong isang balita na nagsasabing iyon daw Anggulo ni Vilma Santos ay hindi naka-one percent sa ratings. Nag-isip din kami, ano ba iyong Anggulo? Wala namang show na ganoon si Vilma.

Iyon pala ang tinutukoy nila ay noong ma-interview si Vilma doon sa show na Anggulo nina Luchi Cruz Valdez sa TV5.

Paanong mari-rate ‘yun samantalang iilan nga ang may alam na may ganun palang show.

Kami nga nagtanong pa kung ano iyong Anggulo dahil hindi namin alam.

At bakit ang pagkaka-interview lamang kay Vilma ang gagawing basehan ng ratings?

Ang tingnan ninyo iyong talagang star, halimbawa si Nora Aunor doon sa Ngalan ng Ina, talagang nagsimula iyon sa 4% at natapos sa 2%. Nga­yon iyang Never Say Goodbye, mukhang mas mabuti pa kung never na lang pinalabas dahil hindi rin makasabay sa ratings ng mga kalaban.

Ngayon para magkaroon ng point of comparison talaga, hintayin ninyo na magkaroon ng drama series si Vilma at saka ninyo ikumpara roon.

Isa pa, palagay namin kalokohan iyong laging pinag­kukumpara sina Nora at Vilma. Noong araw magkalaban sila pero ngayon hindi na. Parang sinasabi mong mag­lalaban sa isang championship sina Manny Pacquiao at Muhammad Ali. Ang tindi ni Muhammad Ali noong araw. Tiyak na paliliparin niyan sa isang sun­tok si Pacquiao. Pero ngayon na matanda na at hindi na halos makakakilos si Muhammad Ali na may parkin­son’s disease pa, ano ang mangyayari kung ihaharap siya kay Pacquiao? No match hindi ba?

Kuya Germs 30 years nang namamanata sa Our Lady of Manaoag

Tumawag noong isang araw si Kuya Germs para minsan pa ay mangumbida sa ginagawa niyang pilgrimage sa Manaoag, Pangasinan tuwing Lunes Santo. Si Kuya Germs ay deboto ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng Manaoag.

Siguro may tatlumpung taon na rin niyang ginagawa iyan, kasi nagsimula iyan noong panahon pa ng That’s Entertainment. Iyan ang masasabi mong totoong debosyon, hindi panandalian lamang.

Chrolesterol boy nagwala na naman, ‘lola’ na aktres walang maibigay

Umiiyak na naman daw ang isang female lola star noong isang gabi. Kasi nilayasan ang lola ng kanyang boyfriend na si “cholesterol boy” nang hindi niya iyon mabigyan ng pera. Gusto mang magbigay ng lola, wala naman siya talagang datung sa ngayon, dahil wala na nga siyang mabola rin. Palagay namin isang araw, tuluyan nang lalayasan niyang si “cholesterol boy”ang lola dahil sa kawalan ng datung.

ANGGULO DAHIL ISANG KUYA GERMS LUCHI CRUZ VALDEZ MUHAMMAD ALI NORA AUNOR VILMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with