_pang-masa
^

Young actress mas maraming kakumpetensiya; Daniel mas sikat kay Kathryn!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 5, 2013 - 12:00am

Marami ang nagsasabi, mukha raw magiging isang malaking hit ang pelikula nina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo, ang Must Be… Love ng Star Cinema.

Pero ang nakakatuwa, sinasabi ng maraming mga kritiko na iyon ay ma­giging hit dahil kay Daniel. Hindi naman natin maikakaila na matindi ang following ngayon ng mga tao sa bagong Padilla ng showbusiness. Ma­tinee idol kasi ang tipo, wholesome pa ang image. Siya ’yung sinasabi ng mga kababaihan na “boyfriend material”.

’Tapos wala pa siyang kalaban sa kategoryang iyon eh si Kathryn nga naman maraming kakumpitensiya.

Ate Vi inaasahan para ipanalo ang mga kapartido

Nang kumustahin namin si Governor Vilma Santos ay nasabi niyang tapos na tapos na raw ang kanyang trabaho sa kanyang pelikulang Ekstra. Talagang kahit na nga mapuyat sila noong last shooting day, sinabi niyang tapusin na nilang lahat kung anuman ang kailangang kunan kasi alam naman niyang kailangang matapos agad iyon dahil ihahanda nga iyon sa Cinemalaya sa July at sa ilan pang international film festivals na nagpadala ng invitation sa kanyang producers para isama ang kanyang pelikula.

Sa parte rin naman ni Ate Vi, alam niyang magiging busy na rin naman siya in a few more days dahil sa kampanya niya. Hindi na nga siguro siya kailangang magkampanya pero kailangang tumulong siya sa mga kasama nila sa partido. Inaasahan din kasi siya ng mga kasama nila bilang standard bearer ng partido sa kanilang probinsiya. Nakiusap din sa kanya ang pambansang liderato ng partido na ikampanya rin ang kanilang senatorial slate kaya alam niya magiging masyado siyang busy.

Ngayon, sabi nga ni Ate Vi, ang hinihintay na lang niya ay ang promo ng pelikula. “Pero hindi naman masyadong marami iyon,” sabi pa niya. 

Sabi nga ni Ate Vi, minsan ay nag-iisip din siya dahil kahit na isang trailer lang ay wala sila sa te­le­bisyon. Napakamahal na kasi ng TV advertising eh at saka iyon ang isa pang problema, sakop na iyon ng media ban dahil sa eleksiyon.

Mabuti na lang natapos ni Ate Vi ang kanyang showbiz commitment bago magsimula sa trabaho naman niya sa pulitika.

 â€œHindi naman tayo tatanggap ng trabaho kung hindi natin kaya. Kung mabibitin naman sila, kawawa ang mga producer. Kawawa rin naman ang ibang manggagawa na ang suweldo ay arawan lamang,” sabi pa ni Ate Vi.

Iba talaga ang professional.

Bold actress inirereklamo ng mga kapitbahay, ibinubunganga pati sikreto

Hanggang ngayon pala ay panay pa rin ang reklamo ng neighborhood association laban sa isang dating sikat na bold actress. Masyado raw iyong bungangera at talagang napakaingay sa kanilang village basta naroroon siya. Hindi man tsismosa ang mga kapitbahay, nalalaman ang sikreto nila dahil halos ipagsigawan na nga iyon ng dating sikat na bold actress.

ATE VI GOVERNOR VILMA SANTOS IYON KATHRYN BERNARDO MUST BE NAMAN PADILLA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with