_pang-masa
^

Marian bida sa Ekstra ni Ate Vi!

Jun Nardo (Pang-masa) - February 26, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Naglaan talaga ng oras si Marian Rivera para sa special participation niya sa indie movie ni Governor Vilma Santos-Recto na Extra last Saturday. Tutal naman tapos na siya sa shooting niya ng My Lady Boss with Richard Gutierrez at wala pa siyang sked sa Kung Fu Divas nila ni AiAi de las Alas na nasa Tate pa.

Mondays, Wednesdays, and Fridays ang taping niya sa Temptation of Wife kaya sumaktong lahat ang pagiging bakante niya nung Sabado kahit sa isang mansion sa Calatagan, Batangas ang location.

Aksidenteng natisod namin sa Instagram account ng manager ng aktres na si Popoy Caritativo ang picture nina Gov. Vilma at Marian na magkayakap. Kaya naman kinulit namin ang producer ng indie na si Atty. Joji Alonso upang hingan ng detalye ang shoot at pictures.

Ayon kay Atty. Joji, bida sa soap opera na Una Kang Naging Akin Book 2 ang role ni Marian. Richy-richy ang drama niya na na-in love sa isang magsasaka, si Brando, na ginampanan ni Piolo Pascual. Isa na namang first ito sa career ng Primetime Queen ng GMA.

Kasama rin sa mga eksenang kinunan si Cherrie Gil. Siyempre, kontrabida siya sa pakikipagrelasyon ng anak na si Belinda sa mahirap na si Brando/Piolo.

Ang role naman ni Ate Vi ay kasambahay ng pa­milya nina Marian. Dinig nga namin, sinampal ni Cherrie si Gov. Vilma sa isang eksena sa shooting, huh!

After ng shoot last Saturday, five days to go na lang si Gov. Vilma at malalampasan na niya ang paggawa ng indie film.                            

 

ATE VI BRANDO CHERRIE GIL GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO JOJI ALONSO KUNG FU DIVAS MARIAN RIVERA MY LADY BOSS VILMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with