_pang-masa
^

Relasyong Aljur at Kylie panira sa kanilang career

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 24, 2013 - 12:00am

Umamin na si Kylie Padilla na totoong may relasyon na nga sila ni Aljur Abrenica. Sad to say hindi ’yan makakatulong sa career nilang dalawa at malamang sa hindi magkabatakan pa sila pababa.

Si Aljur ay nakadepende kung sino ang kanyang leading lady. On his own hindi naman siya ma­kakatayo eh. Ilan na nga bang projects niya ang bu­magsak? Si Kylie naman ay baguhan pa lamang, paano maaasahang hihilahin niya si Aljur paitaas?

Hindi naman puwedeng ang lagi nilang sakyan ay kung ano ang masasabi ni Robin Padilla sa kanilang relasyon. Kaya palagay namin ay maling desisyon ang ginawa nila.

Indie ni Vilma hinusgahan ng mga kaaway

Ngayon sinasabi naman ng iba na kung kumita ang indie film na ginawa ni Vilma Santos iyon ay dahil may mga guest na sikat na artista. Dahil din daw sa iyon ay idi-distribute ng isang major film company kaya makakakuha ng sinehan. Paano mo naman daw iyon iko-compare sa ibang indie na hindi ganun ang nangyari?

Hindi naman kasalanan ni Vilma kung hindi kasing wise niya ang iba. Si Vilma, siniguro niya ang kuwento at ang content ng pelikula bago niya tinanggap. Siniguro rin niya kung maipapalabas ba iyon sa mga sinehan at mapapanood ng kanyang fans o isasali lamang sa mga hotoy-hotoy na film festival sa abroad?

Sa paggawa mo ba ng indie ay may chances na kumita at makatulong sa industriya? O ang target mo lang ay manalo kahit na mga inim­bentong awards at okay lang sa iyo kahit na lima lang ang manood sa sinehan sa mag­hapon? Kung iyon ang target mo, iyon ang gawin mo. Bakit ninyo sisisihin si Vilma kung maayos ang kanyang nakuhang project?

Minsan magtataka ka sa mga tao rito eh. Bakit nga ba kailangang magalit sila kung may mga taong nagtatagumpay sa kanilang career? Bakit hindi ang gawin nila eh kumilos para umangat naman sila, kung talaga ngang makakaangat pa, at kung hindi naman ay bakit hindi na lang manahimik at pumasok sa isang retirement home sa US? O kaya mag-concert na lang doon kahit na puro lipsynch lamang sa mga karinderya na pinupuntahan ng mga Pilipino?

Aktor biglang yumaman, gay lover na pulitiko nahuthutan ng campaign funds kaya natalo

Napansin lang namin, biglang yaman ang isang aktor. Biglang nakabili ng maraming properties ganung wala naman siyang nakukuhang big projects.

Iyon pala ay galing na lahat iyon sa naging lover niyang gay politician noong araw na kaya naman natalo ay mukhang naibigay na lahat ang kanyang campaign funds sa aktor.

ALJUR ABRENICA BAKIT IYON KUNG KYLIE PADILLA NAMAN VILMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with