_pang-masa
^

Vilma Santos inakusahang swapang!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 21, 2013 - 12:00am

Aywan kung bakit nagtititili sa galit, o inggit ba ang isang basher sa balitang inim­bita na sa Cannes, France ang pelikulang ginagawa ngayon ni Governor Vilma Santos. May sinasabi pang kesyo suwapang daw si Vilma kasi nasa pulitika na, pati showbiz sumasali pa.

Parang nakalimutan ng basher na iyan na bago na­ging isang politician si Vilma eh established actress na siya. Hindi naman niya basta mai­iwan ang pag-arte, at sinasabi nga niya na pumasok siya sa pulitika at gusto ngang mas palawakin pa ang kanyang public service bilang pagbaba­yad naman ng utang na loob niya sa publiko sa suportang ibinigay ng mga tao sa kanya bilang isang aktres sa nakalipas na panahon.

Iyong pagpunta sa Cannes, hindi si Vilma ang may kagustuhan. Sinabihan lang siya ng kanyang director at ng kanyang producer na may natanggap na silang imbitasyon para ang pelikula nilang ang star ay si Vilma ay ipadala nga sa Cannes, and hold your breath, sa iba pang mga respetadong festivals. Hindi sa mga hotoy-hotoy na gatherings lamang ng mga class B movies na kagaya ng sinasalihan ng iba.

Hindi naman kailangang magpunta ni Vilma sa mga festivals na ganyan para magkaroon ng photo opportunity na makunan ng picture sa red carpet, kahit na wala namang tao. Natutukso tuloy akong ilabas din ang picture ko habang naglalakad sa red carpet sa Cannes years back. Ganoon lang naman ang ginawa ng iba eh. 

Anyway, mukhang hindi matanggap ng basher ang magandang fortune ni Vilma. Hindi siya kagaya ng iba na naging waldas, lasengga, o addict kaya sa sugal at sa droga, kaya ganyan ang kanyang katayuan sa buhay ngayon.

Kim pinalalabas pa ring bitter

Hindi naman daw totoo ang tsismis na nag-walk out si Kim Chiu sa set ng kanilang serye. Umalis siya at umuwi dahil tapos na ang taping niya. Hindi naman siguro niya gusto na umistambay pa sa set kung wala naman siyang gagawin.

Hindi rin namin alam kung bakit pilit na pinalalabas ng iba na bitter pa rin si Kim dahil nag-split sila ni Gerald Anderson. Matagal na iyon. Ilan na ang naging syota ni Gerald pagkatapos noon? At saka mukhang happy naman ngayon si Kim sa kanyang buhay, na nag-Valentine’s day pa nga raw sa isang yate.

Aktres baliw sa pagmamahal sa ex na pamilyado na

Hanggang ngayon daw ay parang naghahabol pa rin ang isang aktres sa kanyang dating boyfriend kahit na alam niyang may asawa’t dalawang anak na nga iyon. In fact nang malaman niyang may problema iyon sa naging trabaho sa abroad, pinadalhan pa raw niya ng financial help ang lalaki. Aba talagang baliw.

AKTRES AYWAN GANOON GERALD ANDERSON GOVERNOR VILMA SANTOS KIM CHIU NAMAN VILMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with