Na-excite kaya biglang kumalat agad, Mark Bautista nagladlad na ng katawan!
STAR TALK - Lolit Solis (Pang-masa) - February 13, 2013 - 12:00am

Sumabak na rin sa sexy pictorial si Mark Bautista. Kumalat kahapon sa social media ang sexy photos ni Mark pero siya rin ang nagkalat ng kanyang mga litrato.

Masyadong na-excite si Mark sa sexy photos niya na bumaha sa Internet kaya na-preempt ang purpose ng kanyang pictorial. Kung may dapat sisihin, si Mark at wala nang iba pa.

At dahil mabilis na kumalat sa Internet ang mga litrato, imposibleng hindi ito nakita ng isang showbiz personality na matagal nang nali-link kay Mark. Kung sino siya, hindi ko sasabihin. Bahala kayong mag-research ‘no?!

Mark Herras sasabak sa ghost love story

Napapanood na sa GMA 7 ang teaser ng Unforgettable, ang upcoming afternoon drama series ng another Mark, si Mark Herras.

May mga humuhula na mala-Ghost ang kuwento ng Unforgettable dahil parang momo si Mark sa teaser ng drama show nila ni Kylie Padilla.

Mahirap mag-speculate sa tunay na kuwento ng Unforgettable. Mas makabubuti na hintayin natin ang airing ng bagong afternoon prime ng Kapuso Network.           

Kim Komatsu hindi artistahin sa pangalan

Serpentina ang title ng afternoon drama series na pagbibidahan ni Kim Komatsu, isa sa mga contract star ng GMA Artist Center na nabigyan ng mga supporting role sa maraming teleserye ng GMA 7.

May mga suggestion na palitan ang screen name ni Kim dahil bukod sa hindi ito pang-artista, may Kim Chiu ang ABS-CBN. Obvious na hindi sinunod ang mga suggestion dahil sa mga press re­lease tungkol sa Serpentina, Kim Komatsu pa rin ang pangalan ng Filipina-Japanese young actress.

My Lady Boss naurong sa May

It’s final, sa May ang playdate ng My Lady Boss, ang second movie team up nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.

Ang Regal Entertainment, Inc. ang producer ng My Lady Boss at ang movie outfit din ni Mother Lily Monteverde ang producer ng The Bride and the Lover na ipalalabas din sa mga sinehan sa May. Starring sa The Bride and the Lover sina Lovi Poe, Jennylyn Mercado, at Paulo Avelino.                      

Krista Miller hindi na nagawang magpakita

No-show si Krista Miller sa presscon kahapon ng Alfredo S. Lim, The Untold Story. The who si Krista? Siya ang starlet na pinag-ugatan ng problema nina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Introducing si Krista sa nasabing pelikula pero hindi niya nagawa na ipakilala ang sarili sa mga reporter dahil wala siya sa presscon na ginanap sa Italian restaurant ng mag-asawa. Hindi nga naman magandang tingnan na tutungtong si Krista sa conjugal property nina Cesar at Sunshine.

 

KIM KOMATSU KRISTA KRISTA MILLER MARK MARK HERRAS MY LADY BOSS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with