Andrea at Mikael hindi nagkagustuhan!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - February 7, 2013 - 12:00am

Wala sa tabi ni Andrea Torres si Mikael Daez nang tanungin siya kung naging sila ni Mikael sa halos six months na nagkasama sila sa taping ng Sana ay Ikaw na Nga. Hindi raw naging sila dahil walang atraksiyon sa kanya si Mikael. Siguro dahil simula pa lamang ng taping nila under Dick Lindayag, pinag-usapan na nilang hanggang work lamang ang magiging relasyon nila. Kaya wala naman sa kanya kahit may intimate scenes sila ng actor, na very protective at supportive sa kanya sa mga eksenang iyon.

Pinatotohanan naman iyon ni Mikael na hanggang trabaho lamang sila ni Andrea pero kung bibigyan siya ng isa pang chance na makatrabaho ang actress, ikatutuwa niya iyon dahil naging comfortable na sila sa isa’t isa.  Itinanggi ni Mikael na may girlfriend siya, inspiration daw lamang, ang maganda, napagsabay niyang masaya ang work at personal niyang buhay.  Magtatapos na bukas ang Sana ay Ikaw na Nga.

Bibigyan ng three days na bakasyon nina Andrea at Mikael ang sarili nila. Sa Hong Kong pupunta si Andrea na itinaon niya sa sale doon sa April at si Mikael sa friend niya na based na sa Singapore. Hindi pa nila alam kung ano ang next project nila.

Pasabog sa Temptation… sunud-sunod

Nagdiriwang ang mga tagasubaybay ng Temptation of Wife dahil sa sunud-sunod na pasabog sa story na nagsimula kagabi nang magpakilala na si Chantal (Marian Rivera) na siya rin si Angeline Santos-Salcedo. Shocked ang mga Salcedo at si Heidi, pero lalo silang na-shock nang ipakilala ni Angeline na ang sumagip sa bumabagsak nilang negosyo, si Mrs. Valencia, ay walang iba kundi ang nilait-lait ni Stella (Cherie Gil) na si Yolanda Armada (Ayen Laurel). Kasunod nito ang pagpapalayas sa kanila sa mansiyon.

 

ANDREA ANDREA TORRES ANGELINE SANTOS-SALCEDO AYEN LAUREL CHERIE GIL DICK LINDAYAG IKAW MARIAN RIVERA MIKAEL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with