_pang-masa
^

Pang Movies

Kahit kinalasan na ng anak ni Erap ‘I care for him a whole lot and I’m just here for him’ – Andi

- Vinia Vivar - Pang-masa

Itinanggi ni Andi Eigenmann ang tsismis na nagkabalikan na sila ni Jake Ejercito.

“Hindi kami nagkabalikan. How I wish,” say niya sa kanyang panayam sa The Buzz.

Pero magkaibigan ba sila?

“We’re friends. We’re okay pero ’yun nga po I guess we pushed things too much. We forced things na kahit alam namin na hindi pa naman kaya, kaya siyempre nag-fall apart siya,” sagot ng young actress.

Inamin din ni Andi na she still cares for Jake although hindi niya alam kung ganundin ang anak ni former President Joseph Estrada sa kanya.

 â€œI don’t know with him but, of course, I care for him a whole lot.  And I’m just here for him,” diin ni Andi.

Ang ikinaaliw namin ay ang komento ng mga host na sina Boy Abunda, Charlene Gonzalez, and Toni Gonzaga matapos ipakita ang VTR interview kay Andi.

Say kasi ni Charlene ay napaka-honest ni Andi sa kanyang nararamdaman pero ipinaalala ni Toni na dati raw ay ininterbyu niya ang young actress at panay ang deny na sila na ni Jake.

“Tapos ’yun pala sila nga,” komento ni Toni.

Pero ipinagtanggol naman si Andi ni Kuya Boy by saying na minsan talaga ay hindi maiwasang mag-deny dahil may mga pinoprotektahang tao o bagay.

Jovit walang naging problema sa Pusong Bato

Nakatsikahan namin ang original singer ng Pusong Bato na si Aimee Torres at natanong namin sa kanya kung nagpaalam ba sa kanya si Jovit Baldivino sa pagre-revive ng kanta niya na isa sa mga theme song ng seryeng Juan dela Cruz ni Coco Martin.

Ayon kay Aimee, ang Star Records ang publishing record label ng Pusong Bato ngayon dahil sila ang nag-release nito ulit a few months ago. Kaya may rights na ang nasabing recording company na gamitin ang kanta.

Matatandaan kasing ginamit din ni Rene “Alon” dela Rosa ang kanta na although siya ang composer ng Pusong Bato, ibinenta na ito sa kanila noon pa kaya pag-aari na ni Aimee ang kanta.

Sa Feb. 23, catch Aimee sa post-Valentine show sa Zirkoh Comedy Bar sa Tomas Morato, Quezon City entitled Pusong Bato Dabarkads sa Zirkoh kasama sina Xian Lim and the comic duo Jose Manalo and Wally Bayola.

For ticket reservations, please call 0917-8138266.

 

AIMEE AIMEE TORRES ANDI ANDI EIGENMANN BOY ABUNDA CHARLENE GONZALEZ COCO MARTIN HOW I PUSONG BATO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with