_pang-masa
^

Vilma at Gretchen gagawing exciting ang Cinemalaya

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - February 4, 2013 - 12:00am

Lahat nga naman ay nagsisimula lamang sa ma­liit pero lumalaki rin pagkatapos. Kagaya nga ng Ci­ne­malaya Independent Film Festival. Noong una ay wala halos pumapansin dun at ang sumasali ay mga baguhang direktor, at ang mga pelikula nilang tinatawag nilang indie noon ay parang mga ama­teur movie na ginagawa lamang sa mga eskuwela­han. Hanggang sa pumasok na nga ang mga kilalang leader ng industriya. Naging involved sina Laurice Guillen, ’tapos maging ang dating produ­cer na si Robbie Tan, at ang negosyanteng si Tony Boy Cojuangco. At nagsimula na ngang mapansin ang Cinemalaya.

Sa taong ito, papasok pa sa Cinemalaya ang pelikula ng dalawa sa pinakasikat na aktres sa Pilipinas, si Gov. Vilma Santos na siyang bida sa pelikulang Ekstra at si Gretchen Barretto na may gagawin din na tipong thriller naman, ang Diplomat Hotel.

Sinasabi pa ngayon ng mga industry observer na ang pagpasok nina Vilma at Gretchen sa mga pelikula ng Cinemalaya ay nagbibigay sa film festival ng higit na commercial value. Iyon naman ang kailangan sa ngayon eh, mapatunayan na ang mga pelikulang indie ay maaaring magawa nang mahusay at maaaring kumita. Napakasama kasi ng reputation ng ibang indie films na dahil independent nga raw ay pito lang ang nanonood sa mga sinehan.

Iyon ang katotohanan na halos walang nanonood ng mga pelikulang indie, depende pa rin iyon sa mga artista at sa pagkakagawa. Kailangang isipin din naman ng mga gumagawa ng mga indie movie na dapat silang kumita para magtuluy-tuloy ang produksiyon nila. Kung ang attitude ay “hindi bale kahit na lima lang ang manood,” aba eh, lalong walang mangyayari. Walang sinehang mag­lalabas sa kanila.

Init ni Vice Ganda kailangang samantalahin na ni Maria

Siyempre dahil hindi naman maikakailang napakalakas ng batak ni Vice Ganda ngayon sa box office, kaya nga lahat halos ay siya ang balak na bigyan ng proyekto. Aba, kailangan nga namang samantalahin na nila dahil hindi na nga nila alam kung hanggang kailan ang kasikatan ng gay comedian. Kaya habang ganyan pa kalakas si Vice Ganda, sige na, pagawin na siya nang pagawin ng pelikula.

Ngayon ay magsisimula na sila ng pelikula ni Maricel Soriano. Tinitiyak nang magiging isang malaking hit din iyon sa takilya.

Kinuhang talent pero walang malay na dyowa ang turing

Sexy actress nagwawala kapag nalalamang may date na iba ang aktor

Nagwawala raw ang sexy actress basta nalalaman na nakikipag-date sa iba ang isang aktor na itinuturing niyang talent niya at boyfriend din.

Wala namang alam ang aktor na ganoon ang turing sa kanya ng sexy actress, sige-sige lang siya.

 

CINEMALAYA DIPLOMAT HOTEL GRETCHEN BARRETTO INDEPENDENT FILM FESTIVAL IYON LAURICE GUILLEN MARICEL SORIANO VICE GANDA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with