^

Pang Movies

Aktor pagbibigyan ang hiling ng manager na maghanap ng iPad na mataas ang ‘gibs’

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabaliw ang isang aktor nang lambingan siya ng kanyang manager ng usong gadget ngayon. Kahit walang kaalaman ang manager sa mga teknikal na aspeto ng mga iPad, iPhone, tablet, pati na regular computer, feel lang niyang magkaroon ng latest na gadgets para echos na meron siyang alam dito.

Dayalog ng manager sa talent, “Regaluhan mo nga ako ng iPad. ’Yung mataas ang gibs!”

Sagot ng talent, “Anong gibs? Baka gig!”

Tugon ng manager, “Wala akong pakialam kung gibs o gig ’yan. Basta regaluhan mo ako dahil sanay ka namang magregalo sa iba!”

“Sige, maghahanap ako ng maraming gibs para maibigay ko ’yung mataas na gig!” patol naman ng aktor.

Pero dahan-dahan muna Jasmine iko-consider din ang magpa-sexy tulad ng Ate Anne

Walang kinalaman ang nali-link sa kanyang si Sam Concepcion sa pagiging blooming ngayon ni Jasmine Smith-Curtis, ang younger sis ni Anne Curtis. Ang Flawless daw ang dahilan ng pagiging flawless niya ngayong kinuha na siyang endorser ng beauty specialist clinic.

Isa ang Flawless sa dahilan ng pagbabalik ni Jasmine sa bansa. Waiting din kasi siya ng resulta ng exams niya sa Ateneo. ’Tapos na ng high school ang young actress at gusto niya sa bansa na mag-aral. Kung sakaling hindi palarin sa Ateneo, ang La Salle University ang next choice at kapag waley pa rin, distance learning studies ang magiging final choice niya.

Eh, sa pagbabalik niya sa bansa, merong sitcom na naghihintay sa kanya sa TV5. Gagawa rin siya ng isang indie movie pero ayaw muna niyang detal-ye-hin ‘yon nang makausap ng press sa launch niya.

Nalulungkot lang si Jasmine dahil sa desisyon ni--yang manatili sa bansa, maiiwan ang madir ni-yang may dinaramdam sa katawan. Pero nirerespe-to niya ang desisyon ng ina. Hindi nga lang muna siya ma-kakatira sa elder sister niya.

“Pini-finish pa kasi ang renovation ng place ni Ate. Pero once ma-finish na ’yung renovation, ahh, doon na ako tutuloy. Eh when I moved here naman po for the first three months, siyempre, mahihirapan din ako na maging independent. I’m gonna live with her for a few months muna. Just to establish and get comfortable,” rason ni Jasmine.

Meron bang ipinagbabawal sa kanya ang Ate Anne niya?

“Wala naman po. I mean, it’s really my own limita-tions that I set for myself kasi when it comes to Ate and my management po, siyempre, career lang sila. Nasa akin na na i-maintain para mapahaba ang career ko kasi ’pag may ginawa ako (na hindi maganda), sa akin na magpo-fall back kung magla-last ang image ko,” tugon ng young actress.

Pero ang pagiging flawless niya ay hindi naman preparasyon upang maging sexy rin ang image niya tulad ng kapatid.

“Not so much for sexy as in hubad! Not yet. Hopefully, it will get there in the future if ever. As of now, just sweet and wholesome muna. I show skin naman sa Flawless. But they know how to handle it na hindi bastos at walang malisya,” saad pa ni Jasmine.

 

 

ANG FLAWLESS

ANNE CURTIS

ATE ANNE

ATENEO

JASMINE SMITH-CURTIS

LA SALLE UNIVERSITY

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with