Lovi at Rocco panay ang harutan
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - January 23, 2013 - 12:00am

Harutan nang harutan sina Lovi Poe at Rocco Nacino sa harap ng mga entertainment press sa pocket interview sa kanila para sa Yesterday’s Bride kaya naman tanong sa kanila kung sila na bang dalawa? Bati na ba sila after nagkatampuhan sa Party Pilipinas dahil sa pang-aasar ni Rocco kay Lovi? Pero madalas daw silang makita lagi sa Rockwell na magkasama. Natawa ang da­lawa, matagal na raw silang hindi nakakapunta sa Rockwell, pero hilig daw lamang nilang kumain, may place rin daw doon na kasama nilang mag-hang-out ang mga common friends nila, na tumutugtog ng drums si Rocco.

Hanggang February na lamang ang Yesterday’s Bride at last five taping days na lamang sila.

Sa issue na lilipat sila ng network, nata­wa si Rocco dahil ilang taon pa ang contract niya sa GMA Network. Ikina­gulat naman ni Lovi ang nabasa niya na may nakahanda na raw siyang project na gagawin sa TV5. Alam daw niya, may ka­sunod na siyang project sa GMA 7 pero sa nga­yon, ang isa pa niyang ginagawa ay ang movie nila nina Jennylyn Mercado at Paulo Avelino, ang The Bride and the Lover under Regal Entertainment.

Ely Buendia at dating asawa, tuloy ang ‘pagsasama’

Akala namin noon, manager and wife lamang si Diane Ventura ni Ely Buendia, pero nang ma­­ka­harap namin siya sa presscon para sa short film which she directed, ang The Rapist, bukod pala sa music, first love niya talaga ang makapag-direct ng movie, kaya kapag may concert noon si Ely, siya ang nagdidirek ng videos nito. Sinimulan muna niya ang passion by directing a short film na pinalad naman siyang maisali sa International Film Festival Man­hattan in New York. Nilinaw ni Diane na hindi totoo na dahil sa rape theme ng short film kaya ito napili. Na totoo naman dahil kapag napanood ninyo ang The Rapist, na tampok sina Cherie Gil at Marco Morales, magugulat pa kayo sa ending ng movie dahil sa mahusay na pagkakasulat ng story.

Thankful din si Diane kay Ely na siyang naglapat ng musical score sa mo­vie. May inihahanda ulit isang short film si Diane na ayaw pa niyang sabihin kung ano ang concept.

Aubrey at Troy kailangan ng professional help

Sina Aubrey Miles at Troy Montero ang special katsikahan nina Camille Prats at Suzy Entrata sa Mars mamayang 6:00 p.m. sa GMA News TV. Ita-tackle sa show na kapag pala two weeks nang nag-aaway ang mag-asawa, kailangan na nila ang professional help.

BRIDE AND THE LOVER CAMILLE PRATS CHERIE GIL DIANE VENTURA ELY BUENDIA HANGGANG FEBRUARY ROCCO SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with