Pero sa March pa Richard susundan si Sarah sa Switzerland!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 17, 2013 - 12:00am

Busy na si Richard Gutierrez sa post production ng Seduction pero iniwan niya kahapon ang trabaho para makipagkuwentuhan sa entertainment press tungkol sa kanyang coming soon movie.

Sad si Richard dahil umalis na sa bansa noong Linggo ang kanyang girlfriend na si Sarah Lahbati.

Love na love ni Richard si Sarah kaya normal lang na malungkot siya nang todo.

Puwedeng bisitahin ni Richard si Sarah sa Switzerland pero matatagalan pa ito dahil busy siya sa promo ng Seduction at shooting ng My Lady Boss, ang reunion movie nila ni Marian Rivera.

Baka sa March pa maging maluwag ang schedule ni Richard para madalaw niya si Sarah sa Switzerland.

May nagkuwento nga pala sa akin na magkasama sina Richard at Sarah sa Hong Kong noong December 2012.

Hindi napabalita ang kanilang Hong Kong trip. Nagkataon lang na nakita sila ng mga kakilala ko sa international airport ng Hong Kong.

Ang sey ng mga witness, bagay na bagay sina Richard at Sarah. Hindi raw puwedeng i-deny na super in love sila sa isa’t isa.
Hindi na nahintay ni Sarah ang showing ng Seduction sa January 30 at ang birthday ni Richard sa January 21.

Magkakaroon dapat si Richard ng Thanksgiving party bukas pero nagbago ang mga plano.

Ikinalungkot ko ang cancellation ng Thanksgiving party dahil nawalan ako ng chance na manalo sa raffle draw. Bongga pa naman ang raffle prizes ni Annabelle Rama.

Sandy, nagpa-stem cell na rin

Hindi inililihim ni Sandy Andolong na pasyente rin siya ng stem cell therapy.

Ang pagkakaiba lang, ‘di na umaalis ng bansa si Sandy dahil pumupunta siya sa isang local hospital para sa kanyang treatment.

Naka-post sa Facebook account ni Sandy ang kanyang recent stem cell therapy.

Kahapon ang birthday ni Sandy at dahil katatapos lang ng stem cell therapy niya noong Martes, hindi siya nagkaroon ng bongga na birthday party.

Enough na kay Sandy na nagkasama-sama sila ng kanyang mga anak noong Pasko at Bagong Taon. Kumpleto ang De Leon family dahil umuwi ng Pilipinas mula sa ibang bansa ang dalawang anak nina Sandy at Christopher De Leon.

Ex ni Ely, paborito si Hitchcock

Si Alfred Hitchcock ang favorite director ni Diane Ventura, ang ex-wife ni Ely Buendia.

Direktor na rin si Diane dahil sa kanyang 15-minute short film, ang The Rapist.

Nakaharap at nakilala ko kahapon si Diane. Maganda siya at bagets pa. Sayang dahil hindi nagtagal ang relasyon nila ni Ely.

In fairness, magkaibigan sina Diane at Ely. Tinulungan ni Ely si Diane sa musical scoring ng The Rapist.

ANNABELLE RAMA BAGONG TAON CHRISTOPHER DE LEON DAHIL DE LEON DIANE VENTURA ELY BUENDIA HONG KONG MARIAN RIVERA RICHARD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with