_pang-masa
^

Misyon sa 2013: TV5 magdadagdag pa ng mga bagong tauhan para umangat na nang tuluyan!

Jun Nardo (Pang-masa) - January 15, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinigilan lang daw pala si Perci Intalan, entertainment head ng TV5, ng ilang big boss na mag-resign sa kanyang posisyon kaya naman nasa network pa siya. Ang tsismis, si Wilma Galvante ang dahilan ng pagre-resign sana ni Intalan na obviously ay conflict sa posisyon niya sa network komo nga mula rin sa entertainment ang dating posisyon ng lady executive.

Ang rason daw ng big bosses kay Perci, consul­tant lang si Wilma sa TV5. Hindi niya raw magiging boss ito at hindi rin makikialam sa posisyon niya.

Eh sa nasagap naming balita, bukod kina Perci at Wilma, may iba-iba pang grupo na hahawak ng mga darating na shows ng TV5 — mga kilala ring taong pagdating sa TV production. May grupo si ganyan, si ganito, at si ganoon. Lahat sila ay tulung-tulong upang palakasin sa manonood ang programa ng Kapatid Network.

Harinawang umangat na nga ang TV5 this year at hindi ’yung hanggang simula lang bumubongga ang kanilang shows, huh!

Mas gusto pang magtago sa Switzerland Sarah L. takot mapanood ng nanay ang grabeng love scenes nila ni Richard

Matutuwa rin daw si Sarah Lahbati kung sakaling matuloy siya sa pag-alis papuntang Switzerland. Kasi naman natatakot siyang mapanood ang love scenes na ginawa niya sa movie niyang Seduction. Kahit na nga raw ang boyfriend niyang si Richard Gutierrez ang kapareha niya, nandoon pa rin ang takot niya sa ina na walang kaalam-alam sa pagpayag niya sa maiinit na love scenes kay Chard.

Sa kissing scene nga lang nila ni Richard sa pinagsamahang soap na Makapiling Kang Muli, napansin ng ina ang pagbubuka ng bibig nito sa halikan niya sa aktor. Natalakan talaga siya that time kaya nga itong Peque Gallaga movie, makakahinga rin siya ng maluwag kung sakaling matuloy ang biyahe niya sa Switzerland!

Pero pagdating sa relasyon kay Richard, muntik na mag-alburoto ang aktor nang ayaw niyang sumama sa Cebu City last Christmas. Napakiusapan lang daw niya na sa New Year na lang sasama dahil pinagbawalan siya ng ina.

Tinupad ni Sarah na sa Cebu mag-New Year pero ka-join niya ang kanyang madir, huh! Kaya naman si Chard, kahit tambak ang problema ng girlfriend, hinding-hindi niya pinababayaan ito sa mga suporta at kailangan.

CEBU CITY KAPATID NETWORK MAKAPILING KANG MULI NEW YEAR NIYA PEQUE GALLAGA PERCI PERCI INTALAN RICHARD GUTIERREZ SARAH LAHBATI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with