Wala nang maisip na materyal na bagay... Angelica credit card ang iniregalo kay John Lloyd!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 3, 2013 - 12:00am

Natupad kaya ang balak ni Angelica Panganiban na bigyan ng credit card si John Loyd Cruz, since, according to her, she cannot think of any gift to give him last Christmas, since he has everything nga naman. Yes, material na bagay, no once can ask for.

Hindi nga lang ibinunyag ni Angelica ang amount ng credit line ng card na ibibigay niya sa binata. Pero tiyak namin, malaki ito.

In an interview, binanggit ni Angelica na until John Lloyd came into her life, wala siyang ideya what was missing in her life. Kaya, ang masasabi niya raw, whatever it is, napunan na finally ‘yun ni John Lloyd.

As a boyfriend, wala na raw siyang puwedeng hi­lingin pa kay John Lloyd. Maliban sa alam niyang mahal na mahal siya nito, at ganundin siya dito, feel daw niya ang labis na pagpapahalaga rin nito sa mga mahal niya sa buhay.

She thinks John Lloyd’s being a workaholic has rubbed on her. Ito rin daw ang dahilan why she makes it a point to come on time to her appointments, lalo na sa kanyang shooting.

Samantala, isa si John Lloyd sa mga unang nakapanood ng kanyang Metro Manila Filmfest entry, One More Try, co-starring her with Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Dingdong Dantes.

And what has John Lloyd got to say about the movie?

‘‘Nagandahan siya,’’ sagot ni Angel ‘‘at sincere siya sa comment niyang ito.’’

Tulad ni John Lloyd na kasalukuyang napapanood sa series na  A Beautiful Affair (with Bea Alonzo) at mapapanood sa pelikula Sarah Geronimo, magiging busy rin si Angelica this year.

Nakapag-start na siya with her TV series with Piolo Pascual, Apoy sa Dagat. Malamang daw na gumawa rin siya ng movie, also with Piolo.

As we all know Angelica is a regular in the gag show, Banana Split Extra Scoop, which is now on its fourth year.

Jillian binalikan ang manager

Child actress Jillian Ward appears unfazed, kahit pa may mga report na nauungusan na siya, sa popularity, lalo na, ng bagong child star na si Ryza Mae Dizon.

Lalong ‘di siya apektado, kung tinatanong siya, kung bakit mas mahabang ‘di hamak ang naging exposure ni Ryza sa currently showing na Metro Manila Filmfest entry, Si Agimat, si Enteng, at si Ako.

Ang mahalaga raw sa kanya ay may pelikula siya, kung saan muli niyang nakasama sina Senator Bong Revilla at Vic Sotto. Na­ging magandang karanasan din daw sa kanya ang makatrabaho si Judy Ann Santos.

Did we hear it right na muling magiging aktibo siyang ima-manage ng talent manager at movie columnist na si Joe Barrameda?

Matatandaang it was JoeBarr, who paved Jillian’s way to showbiz, kung baga. For a while, nagkaroon yata ng ‘di pagkakaunawaan sina JoeBarr at Mommy ni Jillian. Which resulted sa diumano’y kusang pag-resign ni JoeBarr bilang talent manager ni Jillian.

Well, for her New Year’s wish, hangad daw ni Jillian na magkaroon siya ng maraming assignment for TV and the movies. And good health, lalo na, for her and her family. And of course, for her Tito Joebarr.

And for Ryza, wish niya na maging busy rin ito in 2013.

Career ni Jason Abalos ‘di umangat-angat

Tanong lang, Salve A: Ano ba ang nangyayari sa career ni Jason Abalos at waring ‘di umangat-angat. E, ang galing naman niya bilang artista. Bukod sa good-looking at machong-macho siya.

In fact, in his first lead role, Endo, he won for best actor the Gaward Urian Awards in 2008. It was in the same year that the Young Critics Circle awarded him the best supporting actor trophy for another indie movie, Adela.

At the moment, walang assignment si Jason,      either mapapelikula o mapa-TV, from the Network, ABS CBN, kung saan under contract siya.

A BEAUTIFUL AFFAIR ANGEL LOCSIN JASON ABALOS JILLIAN JOHN JOHN LLOYD LSQUO METRO MANILA FILMFEST SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with