Erich isang taon nang engaged, suot na diamond ring ang laki!
- Vinia Vivar (Pang-masa) - November 23, 2012 - 12:00am

Kahapon sa Kris TV ay guest si Erich Gonzales at pinagpiyestahan ang suut-suot niyang diamond ring na ayon kay Kris Aquino ay engagement ring daw.

Hindi naman itinanggi ni Erich na bigay nga ng kanyang non-showbiz boyfriend ang diamond ring pero hindi niya nilinaw kung totoo ngang engagement ring ba ‘yun.

Pero kapansin-pansin na very vocal naman si Erich sa relationship niya sa non-showbiz bf. Habang nagluluto kasi ng cupcakes ay tinatanung-tanong siya ni Kris about him like kung ilang beses silang magsabihan ng “I love you” sa isa’t isa.

“For me, ayokong parang kada magkita, “okay, bye, I love you”. Dapat mine-mean mo talaga when you say it,” say ni Erich.

Ask naman ni Kris kung sa isang lingo raw halimbawa, ilang beses silang mag-I love you.

“I love him everyday, every minute, every second” sabi ni Erich na ikinakilig ng mga tao sa audience at pati na rin nina Kris, Melai at Jason Francisco.

Sambit pa ng young actress, “I’m so blessed naman to have him”.

Paliwanang naman ni Kris, for sure naman daw, pag ready na si Erich na sabihin ang tungkol sa engagement ay ikukuwento naman daw ‘yun ng young actress sa kanila.

Sinagot din ni Erich kung kelan ibinigay sa kanya ang diamond ring at say ng young actress ay last year daw. Nakilala raw niya ang guy two years ago at nagsimula sila bilang friends. One year na raw ang relasyon nila ngayon.

Komento ni Kris sa diamond ng ring, “ang laki, huh!” at natawa naman ang young actress na halatang masayang-masaya nga.

John James Uy aminadong tinablan kay Yam

Pinatunayan talaga ng pelikulang Rigodon that sexy movies are back dahil grabe ang mga eksenang natunghayan ng entertainment press sa premiere night ng movie held last Tuesday night sa Robinson’s Cinema.

Tama lang na R-18 ang movie dahil napakaraming for adults na mga eksena ng mga bidang sina Yam Concepcion at John James Uy partikular na nga ang eksena sa hagdan kung saan ay nagpakita ng butt at boobs ang bagong Sex Goddess ng Philippine Cinema.

Makikita rin sa movie na parang tinotoo nina Yam at John James ang kanilang mga maiinit na eksena.

Nang makausap ng ilang reporters si John, inamin niyang ilang beses talaga siyang tinablan sa mga love scene nila ni Yam.

“Tao lang naman ako at natural na mag-react ‘yung sa akin. Pero siyempre hindi nahalata ‘yun kasi naka-plaster kami,” say ni John James.

Pero ayon sa dating Be Bench candidate, nahirapan daw siya sa mga love scene nila ni Yam.

“It’s my first love scene and big first break. Siyempre, it’s not easy na may mga taong nanonood habang nakikipag-lovescene ka,”  he said.

Ayon pa kay John James ay wala siyang limitasyon sa anumang proyektong ibibigay sa kanya pero gusto rin daw niyang subukan ang iba’t ibang genres.

“Sa next movie ko, comedy kaya iba naman at walang sexy scenes,” aniya.

Ang ginawang paghuhubad at mga daring scenes ni John sa Rigodon ay expression lang daw niya bilang artist. We learned na true-blooded artist ang newbie actor, dahil gumuguhit siya gamit ang acrylic form of art at marami na siyang naibentang naiguhit niya.

 Samantala, nagsimula nang ipalabas ang Rigodon last Wednesday, Nov. 21 mula sa direksiyon ni Erik Matti under Viva Films and Reality Films.

 

BE BENCH DAW ERICH JOHN JAMES JOHN JAMES UY NAMAN PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with