^

Pang Movies

Career ni Charice pagtutulungang isalba nina Martin, Gary, at Pilita!

- HOT Vinia Vivar - Pang-masa

Sa gitna ng mga bali-balita na ang Manila Gene­sis Entertainment and Management na ni An­geli Pangilinan ang siyang hahawak sa career ni Cha­rice sa Pilipinas, nilinaw ni Gary Valenciano na as far as he knows ay wala namang ganitong napag-uusa­pan.

“We will help her (Charice) when she’s in Manila if she needs our help. I think more than anything else is that we’re willing to be... not just managers, really, but more like friends that can help her out if she has questions about the industry or questions about what to do.

 “Kasi grabe rin ’yung mga naghahawak sa kanya dun sa States and because of that, we have to show respect to them also. But every time she comes to Manila, and she comes from her own, we’ll be around for her.

 “I think, Martin (Nievera) will also be around for her. Anytime. Even Tita Pilita (Corrales),” pahayag ni Gary V.

Sina Charice, Gary, Martin, at si Ms. Pilita ay nagkasama bilang judges ng katatatapos lamang na X-Factor Philippines sa ABS-CBN.

Kung sakali man na ang Genesis ang mag-ma­nage sa career ni Charice sa Pilipinas, hindi naman daw ang singer ang magkakaroon ng pag-uusap kun­di ang manager nito sa US at si Angeli.

Pero si Charice naman ay very close kay Angeli at nagtatanong din minsan kung ano ang dapat gawin pero ani Gary ay hindi management na matatawag ’yun.

Samantala, Gary V. is promoting his new album Gary V. Sings Just For You under Universal Records kung saan ay ni-revive niya at binigyan ng bagong areglo ang mga classic and immortal love songs tulad ng In Your Eyes na siyang carrier single, Just Once, It Might Be You, What Matters Most, Somewhere Down the Road, Someone in the Dark, I Will Always Wait For You, at marami pang iba.

Sarah at Julia ikakampanya si Rep. Angara

Bilang additional endorser ng Blackwater Elite Homme perfume, humarap sa entertainment press ang senatorial candidate na si Congressman Sonny Angara last Wednesday at sinagot ang mga katanungang karamihan ay may kinalaman sa showbiz kasi showbiz reporters ang mga kaharap niya.

Isa na nga ay ang tanong kung sino naman ang kukunin niyang celebrity endorser para sa kanyang kandidatura at say niya, ang mapapangalanan pa lang niya sa ngayon ay sina Sarah Geronimo raw at Julia Montes.

Actually, si Julia ay okay na at nakagawa na nga sila ng ad na umeere na ngayon pero si Sarah ay hindi pa nako-confirm.

“Very busy kasi si Sarah eh. So, nag-uusap pa,” rason ng kongresista.

Napili nila sina Sarah at Julia dahil sa wholesome image ng da­lawa.

“Si Sarah is siya ’yung representative ng youth na wholesome, ganun din si Julia. Si Julia, may particular advocacy siya, ’yung sa senior citizens, kasi pinalaki siya ng lola niya dahil ’yung parents niyang may kapansanan.

“So, kaya namin siya (Julia) pinili dahil ’yun ’yung batas na ginawa namin ni Sen. Ed Angara (his father) sa Congress eh,” paliwanag ng senatoriable.

Natawa naman si Cong. nang tanungin namin kung sino ang mas mahal ang talent fee between Julia and Sarah.

“Hindi ko pa alam, hindi ko pa alam,” natatawa niyang say.

 

ANGELI

BLACKWATER ELITE HOMME

CHARICE

CONGRESSMAN SONNY ANGARA

ED ANGARA

ENTERTAINMENT AND MANAGEMENT

EVEN TITA PILITA

GARY V

JULIA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with