^

Punto Mo

EDITORYAL - Salain ang 4Ps beneficiaries

Pang-masa
EDITORYAL - Salain ang 4Ps beneficiaries

SINIMULAN ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) noong 2007 sa panahon ni President Gloria Macapagal-Arroyo at ipinagpatuloy ng administrasyon ni dating President Benigno “Noynoy” Aquino at lalo namang pinalakas sa panahon ni President Rodrigo Duterte kung saan ginawa nang batas (RA 11310) ang pagkakaloob ng ayuda sa mga pinakamahihirap na pamilya. Obligadong pagkalooban ng cash grant ang mga klasipikadong mahihirap na pinatunayan ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ang 4Ps ay national poverty reduction program na nagbibigay ng tulong na pera sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng pitong taon na ang layunin ay mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon at makakamit ng edukasyon. Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nangangasiwa sa pamamahagi ng 4Ps.

Sa ilalim ng programa, tatanggap ng P300 ang bawat anak o bata buwan-buwan na nakaenrol sa day care at elementary programs sa loob ng 10 buwan bawat taon; P500 sa bawat anak buwan-buwan na nakaenrol sa junior high school sa loob ng 10 buwan; P700 sa bawat anak buwan-buwan na naka-enroll sa senior high school sa loob ng 10 buwan; at P750 para sa health and nutrition bawat buwan sa loob ng isang taon.

Makukuha ng 4Ps beneficiaries ang kanilang cash grant sa mga banko na inatasan ng DSWD. Ang lahat ng 4Ps beneficiaries ay covered ng National Health Insurance Program. Kailangang makasunod sa criteria ang mga pagkakalooban ng cash grant.

Maganda ang layunin ng 4Ps subalit inaabuso na ng ilan. Kahit nakatapos na, nag-graduate na, patuloy pa ring tumatanggap at hindi nirereport ang kanilang totoong sitwasyon. Patuloy na nagdedepende at nag-aarimuhan sa ipagkakaloob ng gobyerno. Kahit naambunan na ng tulong patuloy pa ring nakalahad ang mga kamay at ayaw nang gumawa.

Ang problemang ito ang nararapat lutasin ni DSWD Secretary Erwin Tulfo. Kinakailangang salain ang mga tumatanggap ng 4Ps upang hindi naman mabangkarote ang pamahalaan. Alamin din kung ang ipinagkakaloob na pera ay nagagamit sa pangangailangan at hindi ginagastos sa bisyo at pantaya sa sugal. Kapag hindi naisaayos, patuloy na magiging pabigat ang 4Ps beneficiaries.

  

vuukle comment

4PS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with