^

Punto Mo

De-wangwang, de-blinkers, target ng HPG!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Muling paiigtingin ng pamunuan ng  Philippine National Police (PNP) ang kampanya laban sa mga ‘may yabang’ at abusadong motorista na de –wangwang na, de-blinkers pa.

Ito ay kahit hindi naman sila awtorisado na gumamit nito.

Partikular na inatasan ni PNP Officer -in -charge Lt. Gen. Vicente Danao  ang Highway Patrol Group (HPG) para sa pagpapaigting sa kampanya. 

Mistulang nagkalimutan na sa batas ukol dito.

Pansamantalang nawala dahil sa mahigpit na kampanya. Nang tumigil sa pagsubaybay nagbalikan na naman.

Talaga nga naman na abusado  at siga ang mga motoristang gumagamit nito.

Parang hari sa lansangan, kung maka-wangwang akala mo ay pag-aari nila ang daan.

Ang ilan sinasabayan pa ng blinker kaya ang ordinaryong motorista na nakakasabay nila kadalasang natataranta kapag dumaan ang mga ito.

Daig pa ang presidente o bise presidente kung maka-hawi talaga.

Kayabangan na lang talaga, ayaw bang pumarehas sa kasabayan nilang kapwa motorista.

Ang tagal nang batas, hindi lang maayos na naipapatupad.

Nakasaad sa Presidential Decree No. 96 na pirmado ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos, na ang mga blinkers o wangwang ay pinapahintulutan lamang sa Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI), Land Transportation Office (LTO),  Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection at mga emergency vehicle tulad ng ambulansya.

Umapela si De leon sa mg may ari ng  sasakyan na tanggalin na ang mga wngwng at blinkers dahil hindi nila papayagan ang mga ito na labagin ang batas.

Hindi lang ang mga hindi awtorisadong gumamit nito ang tututukan kundi maging ang nagbebenta at nagkakabit nito ay aarestuhin at pananagutin din.

Hindi lang sana sa umpisa ang ganitong mga kampanya, sana ay tuloy-tuloy at hindi maging ‘ningas-kugon’.

vuukle comment

LED LIGHT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with