^

Punto Mo

12-anyos na batang babae, nakatanggap ng Guinness World title bilang pinakabatang awtor na nakapaglathala ng book series!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG batang babaing writer mula Saudi Arabia ang naging Guinness World Record holder matapos makumpirma na siya ang pinakabatang may-akda ng isang book series.

Twelve years and 295 days old si Ritaj Hussain Alhazmi nang naberipika ng Guinness ang kanyang titulo na “World’s Youngest Person to Publish a Book Series”!

Taong 2019 nang ma-publish ni Ritaj ang  Treasure of the Lost Sea, ang unang libro sa kanyang book series.  Ang sequel nito na Portal of the Hidden World ay inilabas sa parehas na taon. Ang ikatlong libro sa series na Beyond the Future World ay na-publish naman noong 2020. 

Ang book series na ito ay isinulat ni Ritaj sa lengguwaheng Ingles. Ito ay isang adventure-fantasy novels na tungkol sa magkapatid na Natalya at Jame na nakatuklas ng mahiwagang kayamanan sa karagatan.

Nagsimulang magsulat si Ritaj noong siya’y anim na taong gulang habang nagbabakasyon abroad. 

Matapos parangalan ng Guinness, ang isa sa nais mangyari ni Ritaj ay punan niya ang kakulangan ng mga pambatang nobela na para sa mga kasing edad niya. Napansin kasi niya na kakaunti lamang ang mga libro na ang target na mambabasa ay nasa edad 9 hanggang 12.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with