^

Punto Mo

Sina Batman at Robin, bow!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

HABANG tumatagal ang pagpili ng kampo ni President Bongbong Marcos ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), lumalakas naman ang sikuhan at gibaan ng mga kandidato. Kung si Interior Sec. Benhur Abalos ang tatanungin, maigi pa nilang pinag-aaralan kung sino ba talaga ang iupo sa trono ng PNP. Araguuyyyyy!

Subalit halos isang linggo nang nasa poder itong si BBM, eh hindi maganda na makupad s’yang mamili ng PNP chief eh iilan lang naman ang mga senior officers at andyan lang sa tabi-tabi ang PDS at intel report ng mga accomplishments at derogatory report nila. Mismooooo!

Ang buong akala ng mga kosa ko sa Camp Crame, iaanunsyo ni Sec. Abalos kahapon kung sino ang napremyuhan ng kampo ni BBM subalit pinagliban ang command conference sa araw na ito. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Matatapos na kaya ang mahabang paghihintay ng mga ­opisyales ng PNP kung sino ang amo nila? Ewan ko lang!

Ang sentro ng gibaan sa ngayon ay itong si Ka Popong Felix, na ayon sa mga Marites, ay nagsilbing tagahawi ng crowd sa harap at likod ni BBM noong kasagsagan ng kampanyahan. Dahil presidente na si BBM, kumalat ang balita na si Ka Popong na ang binasbasan ng una para mamili kung sino ang inupo sa mga sensitibong position sa PNP. Kapag sikat ka, siyempre nakasentro ang mga akusasyon sa integridad mo tulad sa pagsugal, pera at ebababs at ibinabato din ‘yan kay Ka Popong. Araguuyyyyy!

Kaya naman ginigiba itong si Ka Popong dahil sa manok n’yang si Lt. Gen. Jun Azurin Jr., sa pagka-PNP chief. Si Azurin, ayon sa mga kritiko n’ya ay galing sa Comptroller family kaya’t arok n’ya ang takbo ng pananalapi sa PNP. Hmmmmm! «Wag kayong mag-isip ng masama mga kosa ko sa Camp Crame ha? Kung sabagay, putok naman sa lahat ng sulok ng Pinas na itong si Gen. Junaz ang napupusuan ni BBM na maging una n’yang PNP chief dahil true-blood Ilocano ito. At maging si Gen. Junaz ay ipinamamalita ito sa kanyang mga kakilala, di ba mga kosa? Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa? Dipugaaaaa!

Kung manok talaga ni BBM si Gen. Junaz, bakit nagpatumpik-tumpik pa ito para ianunsiyo na ang huli ang napili n’yang PNP chief? Ayon sa mga Marites, hinaharang ni Boss Chavit Singson ang appointment ni Gen. Junaz dahil presko pa sa isipan n’ya ang insidente sa checkpoint noong miyembro pa ng PAOCTF ang huli. Itong insidente ang nagtulak kay Boss Chavit para humiwalay sa kampo ni ex-Pres. Joseph Estrada at naging state witness pa sa impeachment ng huli, di ba mga kosa? Eh si Boss Chavit sa ngayon ay presidente ng Mayor’s League at malaki ang papel na ginampanan para manalo si BBM. Mismooooo! Hak hak hak! Mahilot pa kaya ni Gen. Junaz si Boss Chavit? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Ang masama lang nito, nadadawit ang pangalan nina Sen. Imee at First Lady Mam Liza sa pagtulak ni Ka Popong sa kandidatura ni Gen. Junaz. Whatttttt!

Hak hak hak! Marami pang ganitong istorya ang kakalat kapag tumagal pa ang paghirang ni BBM ng kanyang PNP chief! Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

BATMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with