^

Punto Mo

Ginger (77)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SA gabi, hindi makatulog si Anton sapagkat iniisip niya ang nangyayari kay Ginger. Isang linggo na ang nakalilipas ay hindi pa rin pumapasok si Ginger. At wala siyang alam kung kailan ito papasok. Hindi naman niya ito matanong. Mula nang mamatay ang papa ni Ginger ay naging walang kibo ito. Tingin ni Anton ay natutulala si Ginger.

Talaga kayang may ganitong nangyayari na kapag namatay ang mahal sa buhay ay parang nawawalan ng pag-asa o wala nang nakikita sa hinaharap?

Tingin niya kay Ginger ay gusto nang tumigil sa pagtatrabaho. Parang wala na itong interes.

Napabuntunghininga si Anton.

Huwag naman sana. Hindi niya kakayanin kapag ganun ang nangyari.

At saka nag-isip nang malalim si Anton nang maalala na mag-aanim na buwan na pala silang magkasintahan ni Ginger.

Kapag sumasapit ang ika-anim na buwan, nagkakaroon ng problema na nauuwi sa paghihiwalay.

Maulit kaya sa kanila iyon ni Ginger?

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with