^

Punto Mo

PBBM, tinututukan din bilang DA chief!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

InaantabayanAN kung anong mga programa at pagbabago ang ipapatupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hindi lamang sa buong bansa, kundi maging sa Department of Agriculture (DA) kung saan pansamantala siya rin ang magiging kalihim.

Mukhang marami ang dapat baguhin sa ahensya kaya personal itong pangangasiwaan mismo ng Pangulo.

Hindi nga ba’t bago pa man ang inagurasyon ni BBM, mukhang nakatanggap na siya ng mga ulat ukol sa nagaganap sa ahensya.

Isama pa nga rito ang nabulgar sa Senate committee report tungkol sa ilang opisyal ng DA kasama ang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na sinasabing nadadawit sa smuggling.

Isinumite pa nga ng Senado sa Ombudsman ang ‘smugglers list’ na buhat umano sa intelligence committee.

Baka nga isa lang ito sa layunin ni BBM, kaya pangungunahan niya ang DA.

Pero nabanggit na rin ng Pangulo na layon niya dito ay para paghandaan ang nagbabantang food crisis sa bansa.

Mukhang nakikita dito ni Marcos na magiging matindi ang problema kaya kailangan niya itong matutukan at ‘wag na munang ipagkatiwala sa iba.

Isa sa prayoridad ng bagong administrasyon ang agrikultura kaya marapat lang na mabilis na maipatupad ang mga measures na kakailanganin dito.

Magugunitang nabanggit ni Marcos sa panahon ng kampanya ang kanyang hangad na maibaba sa P20 ang kada kilo ng bigas.

Marami naman ang nagtaas ng kilay ditto.

Pero eto nga at sya na mismo ang naupo sa DA malaki ang tiyansa na talagang mapalakas ang agrikultura. At mas  maganda nga kung maipatupad sa mas mababang halaga ang presyo ng bigas kahit hindi P20, basta makakaluwag kahit  bahagya sa mga pamilyang Pinoy, ok na rin yon. Ito ang hinihintay ng marami.

Kung mangyari kaya ito, magtaas pa rin kaya ng kilay angkanyang mga kritiko, eh sila mismo ay pwedeng makinabang dito.

Aantabayan natin ang mga magiging pagbabago sa mga programa at kalakaran sa DA sa mga susunod na araw kung saan nga mismong ang Pangulo ng bansa ang siyang magiging hepe.

 

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with