^

Punto Mo

Maari bang tanggihan ang promotion?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Maari ba akong tumanggi sa pag-promote sa akin sa kompanyang pinapasukan ko? Kung ma-promote kasi ako ay ka­ilangan kong ma-destino sa ibang lugar kaya madalas akong mawawalay sa pamilya ko. Puwede ba akong tanggalin ng kompanya kung tanggihan ko ang promotion? —Danny

Dear Danny,

Ayon sa Korte Suprema sa Echo 2000 Commercial Corp. v. Obrero Filipino-Echo 2000 Chapter-CLO (G.R. No. 214092, 11 January 2016), ang promotion ay maihahalintulad sa isang regalo o pabuya kaya may karapatan ang empleyado na tanggihan ito kung ayaw niyang ma-promote mula sa kanyang kasalukuyang posisyon. Dahil may karapatan ang isang empleyado na tumanggi sa promosyon, hindi dapat ito ipagpalagay na insubordination o pagsuway sa utos ng employer na maaring dahilan ng disiplinary action o parusa katulad ng pagkakatanggal sa trabaho.

Ngunit kailangang malinaw muna kung promotion nga ba ang iniaalok sa empleyado. Ang promotion, ayon sa Coca-Cola Bottlers Philippines, Inc. v. Del Villar (G.R. No. 163091, 6 October 2010), ay ang pag-sulong papunta sa isang panibagong posisyon na may mas malawak na mga responsibilidad at tungkulin kaysa sa dati. Ayon din sa Korte Suprema sa kaso ng NAFLU vs. NLRC (G.R. No. 90739, 3 October 1991), hindi kailangang may kasamang pagtaas sa sahod ang promotion; ang mahalaga ay ang mga pagbabago sa tungkulin ng empleyado.

Kaya sa sitwasyon mo ay siguraduhin mo munang promotion nga ang iniialok sa iyo. Kung wala namang pagbabago sa lebel ng iyong mga tungkulin at pangalan lamang ng posisyon ng naiba ay maaring sabihin na pangkaraniwang transfer lamang at hindi promosyon ang kinakaharap mo.

Sa ganyang pagkakataon ay hindi mo maaring tanggihan ang iyong paglipat ng posisyon lalo na kung ito ay dahil sa ayaw mong madestino ng malayo sa iyong pamilya. Ayon sa Korte Suprema sa Mendoza vs. Rural Bank of Lucban (G. R. No. 155421, July 7, 2004) at Benguet Electric Cooperative vs. Fianza (G. R. No. 158606, March 9, 2004), ang paglilipat sa mga empleyado sa ibang lugar ay management prerogative o karapatan ng employer kaya hindi ito labag sa batas basta hindi made-demote ang empleyado sa gagawing paglipat sa kanya sa ibang lugar at hindi mababawasan ang kanyang sahod at iba pang mga benepisyo. Kaya kung hindi sumunod ang ng empleyado sa paglipat sa kanya sa ibang lugar ay matatawag itong insubordination na maaring maging dahilan ng kanyang pagkakatanggal sa trabaho.

vuukle comment

COMPANY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with