^

Punto Mo

EDITORYAL - Hamon sa administrasyon ang pambu-bully ng China   

Pang-masa
EDITORYAL - Hamon sa administrasyon ang pambu-bully ng China    

MALAKING hamon kay President Ferdinand Marcos Jr. ang walang tigil na pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS). Halos buwan-buwan ay may ginagawang pananakot ang China Coast Guard sa mga Pilipinong naglalayag sa WPS. Wala nang kinikilala ang China at maski sa teritoryong pinagwagian ng Pilipinas noong 2016 sa Arbitrary ruling ng International Court ay kanilang binabalewala.

Noong nakaraang linggo, nam-bully muli ang China nang sundan ng kanilang coast guard ang bangka ng mga sundalong Pinoy na magdadala ng supply sa tropa sa Ayungin Shoal na naka-stationed sa nakasadsad na BRP Sierra Madre.

Hinabol ng Chinese Coast Guard (CCG) ang bangka ng mga Pinoy at tinawagan sa radio na umalis sa umano’y sakop nila. Pinaaalis din nila ang kalawanging BRP Sierra Madre subalit nagpatuloy pa rin ang mga Pinoy hanggang sa makarating sa kinasasadsaran ng barko. Nagtagumpay na madala ang supply at nagkaroon ng troop rotation.

Hindi ito ang unang pagkakataon na binully ng China ang mga Pinoy. Noong Disyembre 2021, hinarang at binomba ng tubig ng tatlong Chinese Coast Guard (CCG) ang mga bangka ng mga Pilipinong maghahatid din ng supply sa mga sundalong nagbabantay sa Ayungin Shoal.

Noong Enero 29, 2022, isang Chinese vessel ang pumasok sa Sulu Sea at nanatili roon ng tatlong araw sa kabila na sinabihan sila ng mga opis­yal ng ­Philippine Navy na lulan ng BRP Antonio Luna na lisanin ang lugar. Hindi umalis ang Chinese vessel.

Noong nakaraang Abril, muntik nang mabangga ng China Coast Guard ang Philippine Coast Guard habang nagpapatrulya sa Panatag Shoal. Sinita ng PCG ang CCG.  Nagmaniubra ang CCG at muntik nang mabangga ang PCG.

Noong nakaraang Abril, nagbabala ang China sa Pilipinas na tigilan ang  pakikialam sa kanilang pagpapatrulya sa Huangyan Dao sapagkat iyon daw ay kanilang teritoryo at mayroon silang hurisdiksiyon sa karagatang nakapaligid dito. Sabi ng Chinese foreign mi­nistry spokesman, dapat igalang ng Pilipinas ang sobe­ranya ng China ganundin ang karapatan at interes nito.

Malaking hamon kay President Marcos Jr. ang gusot sa WPS. Nararapat solusyunan ang problema at nang hindi sa lahat ng oras ay nambu-bully ang China.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with