^

Punto Mo

EDITORYAL - Kaso ng dengue dumarami

Pang-masa
EDITORYAL - Kaso ng dengue dumarami

NAKABABAHALA ang pagdami ng dengue cases. Lumolobo ang kaso sa mga probinsiya at maski sa Metro Manila ay tumataas na rin ang bilang.

Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, nakapagtala na ng 3,408 na kaso sa National Capital Region (NCR) mula Enero hanggang Mayo ngayong taon. Mas marami umano ang kaso ngayon kumpara sa nakaraang taon sa parehong buwan.

Dumarami rin ang kaso sa mga probinsiya. Ayon sa DOH, nakapagtala na ng 2,737 kaso sa Bulacan; Cebu City, 1,254; Isabela, 1,149; Negros Occidental, 1,161; St. Bernard, Southern Leyte, 207; Kidapawan City, 326 at Zamboanga City, 315. Ayon pa sa DOH, karamihan sa mga tinamaan ng dengue ay mga bata.

Naghahatid ng pangamba ang pagdami ng kaso ng dengue lalo pa’t sa Agosto ay magbubukas na ang face-to-face classes. Dalawang taon na hindi nagamit ang mga school kaya malaki ang posibilidad na ­naging pugad na ito ng mga lamok. Nararapat na bago magsimula ang F2F sa Agosto ay nilinis na ang mga public school. Buhayin ang “Brigada Eskuwela” kung saan ay nagkakaroon nang pagtutulungan at sama-samang paglilinis.

Ang dengue ay hatid ng lamok na tinatawag na Aedes Aegypti. Ang lamok na ito na kadalasang ­nangangagat tuwing araw ay makikilala sa batik-batik nitong katawan.

Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat, pananakit ng ulo, kasu-kasuan, lagnat at pagsusuka. Ipinapayo na kapag nakaranas ng mga ganitong sintomas, kumunsulta sa doctor.

Ang kalinisan sa loob ng bahay at kapaligiran ang susi para mapigilan ang pagkalat ng mga lamok. Huwag iistak ang mga basyong bote, lata, gulong ng sasakyan, paso ng halaman sapagkat napupuno ito ng tubig sa panahon ng tag-ulan. Linisin din ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok.

Ang pagbibigay ng gabay sa mamamayan ukol sa dengue ay nararapat pang paigtingin ng DOH. Magbigay ng inpormasyon sa mamamayan ukol sa dengue upang ganap na maiwasan ito. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo ang mga nasa liblib na lugar. Nararapat maipaalam sa kanila ang panganib ng dengue upang makapag-ingat.

 

vuukle comment

DENGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with