^

Punto Mo

Malaking hamon sa PNP ang gaganaping BBM inauguration!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MALAKING hamon sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement ang araw na ito.

Makasaysayan ang araw na ito kung saan gaganapin ang inagurasyon ng ika-17 Presidente ng bansa sa katauhan ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Kabilang nga sa VIPs na dadalo ay sampung matataas na opisyal ng ibang bansa at mga diplomats.

Ayon nga sa PNP, nasa 25,000 hanggang 30,000 ang inaasahang dadalo sa pagtitipon na may inilaan din namang lugar lalo na sa mga supporters na gustong sumaksi sa  inagurasyon.

Kakaiba ito sa mga panunumpa ng mga nagdaang Pangulo ng bansa.

Marami kasi sa pagkakataong ito ang dapat na mabigyan ng pansin.

Nasa panahon pa rin naman kasi tayo kung saan nananatili pa ang COVID-19 pandemic, kaya may mga bagay na dapat na mairekonsidera lalo na sa mga dadalo sa okasyon.

Kailangan pa ring masunod ang pinaiiral na health protocol, at  isa sa seguridad na ipapatupad  maging ang mga VIPs ay kailangang sumailalim sa antigen.

Ang mga magkokober na media ay ni-require rin na sumailalim sa RT-PCR test para makalapit sa National Museum kung saan gaganapin ang inagurasyon.

Higit sa lahat na dapat na matupad ay ang  matinding pagbabantay para sa seguridad ng lahat na matagal na rin namang pinaghandaan ng PNP.

Sasabay din ang mga isasagawang kilos-protesta ng iba’t ibang grupo.

Ayon sa PNP, pwede namang magrali sa inilaang ‘freedom park’, pero hindi papayagan makalapit sa pagdadausan ng inagurasyon,

Bagamat maximum tolerance ang paiiralin, gayunman hindi sila magdadalawang isip na umaresto kung may  banta na nang panggugulo ang mga ito.

Sa mga pasaway na ang nais talaga eh manggulo lang, may inihanda ng mobile jail ang PNP sa inyo kaya nga ‘wag ninyo silang subukan.

Aantabay tayo sa mga kaganapan sa inagurasyon at hangad natin at ng nakakarami na mairaos ito ng mapayapa at huwag malagay sa anumang kahihiyan ang bansa.

 

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with