^

Punto Mo

Empleyado, nakatanggap ng suweldo na 286 times ang laki sa nararapat niyang sahurin!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kompanya sa Chile ang aksidenteng napasuweldo ang kanilang empleyado ng sobra-sobra sa nararapat na sahod nito!

Nagkamaling pasuwelduhan ng processed meat company na Consorcio Industrial de Alimentos ang isa sa kanilang empleyado ng halagang 165,398,851 Chilean pesos (katumbas ng Php 10 million) imbis na 500,000 Chilean pesos (Php 30,000)

Ayon sa ulat ng ­Chi­lean newspaper na Diario Financiero, naganap ang pagkakamali noong May 30, 2022. Nireport ng office assistant ng kumpanya sa kanilang deputy manager ang error sa pagpapasuweldo. Nakumpirma ng manager na 286 beses ang laki ng naibigay na suweldo kaya agad tinawagan ang empleyado.

Nangako ang em­pleyado na ibabalik niya ang pera sa susunod na araw. Ngunit pagdating ng Hunyo 2, 2022, nag-resign na sa kompanya ang em­pleyado at pinaabot nito ang kanyang resignation letter sa pamamagitan lamang ng isang law firm.

Sa kasalukuyan, tuluyan nang nagtago at lumipat na ng tirahan ang empleyado kaya nagsampa na ng kasong ­embezzlement ang kompanyang Consorcio Industrial de Alimentos.

vuukle comment

SALARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with