^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag iprayoridad ang ROTC

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag iprayoridad ang ROTC

SA Agosto, balik sa face-to-face classes ang mga estudyante. Eksakto ang pagbubukas ng school year na bago na ang DepEd secretary sa katauhan ni Vice President Sara Duterte. Siya ang unang mi­yembro ng Gabinete na hinirang ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. Noong nakaraang linggo, sinabi ni Sara na lubusan niyang ipatutupad ang face-to-face sa pagbubukas ng school year. Mahigit dalawang taon na natigil ang F2F dahil sa pandemya at naging online ang sistema ng edukasyon. Nabanggit din ni Sara na posibleng ibalik ang ROTC.

Sa pag-upo ni Sara sa DepEd, marami siyang dapat isaayos at unang-una na ang kalagayan ng mga guro. Maraming guro ang nagrereklamo dahil sa liit ng kanilang sahod. Matagal nang napag-iiwanan ang kanilang sahod. Ang sahod ng mga sundalo at pulis ay naitaas na subalit ang sahod ng mga guro ay hindi pa. Marami sa mga guro ang kailangan pang mag-sideline para madagdagan ang kinikita.

Problema rin ang kalidad ng edukasyon sa kasa­lukuyan. Sa isang pag-aaral, nabatid na may mga batang edad 8 ang hindi pa marunong bumasa at sumulat. Ang ganitong problema ay dapat mahanapan ng solusyon ng bagong DepEd secretary. Napag-iiwanan ang mga estudyanteng Pinoy sa larangan ng Math at Science. Hanapin ang ugat ng problemang ito. Posibleng kulang din sa mga mahuhusay na guro kaya nangyayari ito.

Isa rin sa malaking problema ng DepEd ay ang corruption. Dahil sa corruption, kaya napagkaka­itan ng edukasyon ang maraming kabataan. Inamin noon ni outgoing DepEd Sec. Leonor Briones na may katiwaliang nangyayari sa central, regional at schools division offices. Ito ang dahilan kaya ipinanukala niya ang pagtatatag ng anticorruption committees (ACC) para masawata ang katiwalian.

Hindi naman dapat iprayoridad ang ROTC na ayon kay Sara ay dapat gawing mandatory sa Grade 11 at 12. Hihilingin umano niya sa susunod na Kongreso na ipasa ang batas para sa mandatory ROTC.

Hindi dapat magmadali si Sara sa usapin sa pag­babalik ng ROTC. Mas mahalaga na matutukan ang kalagayan ng mga guro at ang kalidad ng edukasyon. Saka na lang muna ang isyu sa ROTC dahil hindi naman ito gaaanong mahalaga. Iprayoridad niya ang kalagayan ng mga guro at ang kalidad ng edukasyon.

vuukle comment

ROTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with