^

Punto Mo

Pinakapangit na aso sa buong mundo, napagwagihan ng isang Chihuahua!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KINORONAHAN noong nakaraang Hunyo 25 ang aso na si Mr. Happy Face ng titulong ‘The Ugliest Dog in the World’!

Ang World’s Ugliest Dog Contest ay taunang patimpalak na ginaganap sa Petaluma, California bilang bahagi ng Sonoma-Marin Fair. Sinimulan ang tradisyong ito noong 1970s para makalikom ng pera para i-donate sa mga charity sa Petaluma.

Hindi panlalait ang pakay ng contest kundi pagsalungat sa nakasanayang dog shows kung saan mga pure breed lamang ang tinatanggap na kalahok.

Ayon kay Ross Smith na founder ng contest, ginawa niya ang patimpalak na ito para ma-appreciate ang mga aso na walang breed. Bukod dito, ang adbokasiyang isinusulong ng contest ay ang mag-ampon ng aso imbes na bumili sa mga petshop o breeders.

Dahil sa COVID-19 pandemic, dalawang taon na-postpone ang World’s Ugliest Dog Contest kaya inabangan ng mga dog lovers sa California ang pagbabalik ng patimpalak.

Labimpitong aso ang natanggap bilang finalist sa titulong World’s Ugliest Dog pero ang nangibabaw sa lahat ay si Mr. Happy Face, isang hairless Chinese crested-Chihuahua mix.

Nakatanggap ng cash prize na $1,500 at all expense paid trip to New York City si Mr. Happy Face at ang kanyang fur parent na si Jeneda Benally.

 

vuukle comment

DOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with