^

Punto Mo

Bentahan ng bisikleta, lumakas!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Lumakas umano ang bentahan ng bisikleta sa nakalipas na buwan.

Ito nga kasi ngayon ang nakikitang alternatibong sasakyan ng riding public.

Malaki na ang natitipid sa gasolina, nakakapag-ehersisyo pa.

Kontodo suporta naman dito ang mga local government units (LGUs) partikular sa Metro Manila na pinalakas at pinalawak ang mga inilaan nilang bike lane.

Mula noong kasagsagan ng lockdown, naging in demand na ang bisikleta matapos ang mga pinatupad na lockdown dulot ng COVID pandemic.

Ngayon, bagama’t nagkaroon na ng kaluwagan, ang sinusuong namang problema ay ang mataas at walang tigil na pagtaas na presyo ng produktong petrolyo.

Kaya nga kahit mga pribadong motorista, hindi na nagdadala ng kanilang sasakyan kundi nagko-commute o nagbibisikleta na lamang.

Ngayon malamang na lalo pa itong maging in-demand dahil na rin sa nakatakdang pagtatapos ng program sa libreng sakay ng pamahalaan.  

Malakas talaga ang panawagan ng riding public sa papasok na administrasyon ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sana umano ay marekonsidera at maipagpatuloy ang libreng sakay sa mga public utilities jeepney.

Magtatapos kasi ang programang ito ng administrasyon ni Pangulong Digong, kasabay sa pagtatapos din ng kanyang termino sa Hunyo 30.

Giit nga ng publiko  wag munang alisin ang libreng sakay habang hindi pa stable ang presyuhan ng produktong petrolyo na walang tigil sa pag-arangkada.

Dahil nga rito ay nagkaroon na ito ng domino effect sa presyo ng pangunahing bilihin na nagtaasan na rin.

Malaking bagay at nakatulong sa mga commuters ang libreng sakay na ang dapat sana’y kanilang gastusin sa pasahe ay naidadagdag na nila sa gastusin sa kanilang pamilya.

Ito rin ang kanilang panawagan kay  incoming DOTr Secretary Jaime Bautista na  sana raw eh maibulong kay BBM.

Pondo kasi ang pangunahing kailangan para maituloy ang programa.

Nasa P10 milyong kada araw pala ang ginugugol sa Libreng Sakay program, ayon sa LTFRB.

May 135 routes ang sineserbisan ng PUJ sa ilalim ng libreng sakay .

Kaya kung hindi na ito maipagpapatuloy mas dadami pa malamang ang bibili ng bisikleta para magamit nila sa araw-araw na paglalakbay. 

vuukle comment

BICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with