^

Punto Mo

Babae sa Australia, pinakasalan ang sarili!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG guro sa Sydney, Australia na nagnga­ngalang Patricia Christine ang pinag-usapan sa mga social media websites dahil sa kanyang self-commitment ceremony o pagpapakasal sa kanyang sarili!

Ayon kay Christine, ilang taon na siyang nakadarama ng stress at pressure matapos hindi matuloy ang kanyang kasal, walong taon na ang nakararaan. Ngayong naliwanagan na siya na mas importante ang pagmamahal sa sarili o self love, naisipan niya na pakasalan ang sarili.

Sa halagang 95 Australian dollars, naging matagumpay ang kanyang self-commitment ceremony suot ang Bohemian wedding dress, diamond ring at bulaklak. Naganap sa isang local park sa Sydney ang kasal na dinaluhan ng siyam na malalapit na kaibigan at kamag-anak.

Ginawa ito ni Christine upang ipakita sa ibang kababaihan na ang pinakaimportanteng relasyon na mayroon tayo ay ang relasyon sa ating sarili. Gusto rin niyang iparating sa mga mas nakakabatang kababaihan na huwag dapat magpadala sa pressure ng iba tungkol sa usaping pagpapakasal.

Sa panayam kay Christine, tinanong siya kung hindi na ba siya magpapakasal sa ibang tao, sinagot niya na hindi niya sinasara ang posibilidad na magpakasal kung magkakaroon siya ng partner.

vuukle comment

KASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with