^

Punto Mo

Yoga teacher sa Dubai, pinarangalan ng Guinness nang mag scorpion pose sa loob ng 29 minutes!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG yoga teacher sa Dubai ang nakatanggap ng Guinness World Record nang mag-scorpion pose siya sa loob ng 29 minutes!

Ayon kay Yash Moradiya, dalawang taon siyang nag-training na mabalanse sa loob nang matagal na oras ang kanyang katawan sa yoga position na tinatawag na Scorpion Pose.

Ang Scorpion Pose ay pagbalanse ng dalawang bisig sa sahig habang nakalawit ang dalawang binti sa ibabaw ng ulunan. Sinasabi na nakakapagpabuti ng balance and coordination ang yoga position na ito.

Dagdag pa ni Moridiya, hindi lamang katawan ang binigyan niya ng training, dahil pati ang kanyang utak ay sinanay niya na maging kalmado at matiyaga.

Tumagal ng 29 minutes ang 4 seconds ang naging record ni Moradiya na sobrang layo mula sa previous Guinness record na 4 minutes and 47 seconds.

Nagsimulang mag-yoga si Moradiya noong siya’y 8 years old at natanggap niya ang kanyang teaching certificate sa edad na 24.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with