^

Punto Mo

Haligi

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Asa ay 10-taong gulang na batang babae  at nag-iisang anak ng mag-asawang Hapones na sina Ayame at Goro. Isang araw, bigla na lang itong hindi umuwi mula sa eskuwelahan. Walang inaksayang araw ang mag-asawa sa paghahanap ng nawawalang anak. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na nila nakita si Asa sa kabila ng pakikipagtulungan ng pulisya sa kanilang bayan.

Isang araw, habang inaasikaso ni Ayame ang kanyang mga tanim na halaman sa harapan ng kanilang bahay ay may nasulyapan siyang bata na nakatayo sa harapan ng mansiyon, mga tatlong bahay ang layo mula sa kanilang bahay. Humarap ang batang babae at nagulat siya nang mapagtantong si Asa iyon!

Nagtatakbo siya patungo sa mansiyon ngunit unti-unting  nawalang parang bula si Asa. Para itong espiritu na unti-unting naging invisible. Kinurot niya ang sarili upang patunayan sa sarili na hindi siya namamalikmata lang.

Matapos ikuwento ni Ayame sa asawa ang nangyari, isa-isa nilang hinimay ang mga pangyayari bago at pagkatapos mawala si Asa. Kung espiritu na lang ang nakita ni Ayame, ibig sabihin ay patay na si Asa. Bakit siya nagpakita sa tapat ng mansiyon at hindi sa tapat ng kanilang bahay?

Naalaala nilang mag-asawa na mga limang bata sa kanilang lugar ang napaulat sa pulisya na nawala. Iba’t ibang araw  ngunit nangyari sa isang buwan.

Isang araw ng 2005, biglang lumindol nang napakalakas. Maraming gusali at bahay ang nagiba. Isa na rito ang mansiyon kung saan nagpakita si Asa. Sa hindi malamang dahilan, basta na lang nilayasan ng mayamang may-ari ang mansiyon kaya ang gobyerno na lang ang nagpagiba rito dahil delikado sa mga kapitbahay.

Sa pagtataka ng mga kapitahay, ang kabuuan ng bahay ay nagiba ngunit nanatiling nakatayo ang mga haligi nito. Matibay ang haligi dahil nahirapan ang mga trabahador na gibain ito.

Halos mangilabot ang mga trabahador nang matuklasan nilang may mga kalansay na nakatayo sa loob ng limang malalaking haligi ng mansiyon. Sa wari nila, itinayo ang haligi na may kasamang tao sa loob nito. Naalaala ng mga kapitbahay na nagsasagawa ng renovation ang mansiyon nang nawala ang limang bata. Natukoy ni Ayame na isa si Asa na inilibing sa loob ng haligi dahil suot pa nito ang school uniform na may pangalan niya.

Ang mga sinaunang Hapones noong 17th century ay naniniwala na magiging matibay ang haligi kung lalagyan ito ng tao sa loob, buhay man o patay. Sabagay, may katotohanan siguro ang kanilang paniwala  dahil ang buong mansiyon ay nagiba maliban sa limang haligi.

vuukle comment

SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with